| | Lino Cayetano returns to directing on Primetime Bida with ‘Tanging Yaman’ | | by Julie Bonifacio | January 07, 2010 8:40 AM | |
Bagong taon, bagong look para sa direktor nang bubuksang teleserye sa 2010 ng ABS-CBN, ang “Tanging Yaman,” na si Lino Cayetano. Mula sa pagiging long hair, mala-skin head naman ngayon ang hairstyle ni Direk Lino sa grand presscon ng “Tanging Yaman” which incidentally ay mismong kaarawan din niya. “Para maganda ang pasok ng taon,” pahayag ni Direk Lino nu’ng tanungin sa bago niyang hairstyle.
Ang “Tanging Yaman” ang siumula muli nang pagbabalik ni Direk Lino sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Medyo matagal din na nawala si Direk Lino sa bansa. Pero ano ang nakapag-decide sa kanya na bumalik sa bansa at sa telebisyon? “Ah, hindi, ‘yung pagkaalis ko, planado talaga ‘yun, e. I wanted to take a vacation. One year lang ‘yun. I wanted to take a break kasi, e, simula nag-start ako, parang five years ako na sunud-sunod. So, nasa plano ko talaga na kapag nagkaroon ako ng pagkakataon mag-aaral ulit ako. After ‘yan nu’ng movie ni Kim Chiu and Gerald Anderson, nagkaroon ako ng chance na mag-aral.” Nabalita rin during that time ang paglipat-lipat ni Direk Lino ng state sa US. “Hindi ‘yun ano lang ‘yun, may konting bakasyon lang ng dalawang buwan. And then, nag-aral na ako. Ang inaral ko naman, nag-aral ulit ako ng directing, directing actors naman pero nag-aral din ako ng iba naman.”
Paano inoffer sa kanya ang “Tanging Yaman?” “Nagkataon lang. I did one project kasi, ‘yung ‘Boystown’ sa unit din ni Sir Deo.(Edrinal). ‘Yun talaga ang first project ko kay Sir Deo tapos ‘yun, nagkataon siguro nangyari ito sabi nila, naisip nila na baka bagay sa akin. Kaya grinab ko ‘yung opportunity. Para sa akin new project, e. Dream project because eto ‘yung rason kung bakit gusto ko’ng maging director, e. I want to talk about family issues, I want to talk about our country. Ang ganda ng kwento na ito kasi bagama’t ang kwento naman tungkol sa Presidente, ’yun nga ang ine-explain ko rin sa mga nagsasabi na baka tungkol sa politika. Hindi siya actually tungkol sa politika, e. Tungkol siya sa pang-araw-araw na problema ng isang pamilya. Kasi parang minsan ang pagtingin natin sa politika nagiging madumi. Pero actually ang politika. Ang Pinoy kasi kapag sinabing politika, turn-off agad. Pero ang poltika ‘yun ang pang-araw-araw nating mga problema. ‘Yung pinag-araal natin ang mga anak natin, nagtatrabaho tayo, papakain natin sila, naghahanap tayo ng trabaho, ang punu’t dulo niyan umaabot niyan ang problema, ang solusyon, ang tinutumbok niyan politka, e. So, ang kagandahan sa soap na ito, .madi-discuss ‘yung politika pero hindi doon sa aspeto ng rhetorics ‘di ba sa mga sound bites. Pero makikita natin kung paano niya naaapektuhan ang isang simpleng pamilya ‘di ba, isang makapangyarihang pamilya. Isang simpleng pamilya na nagkaroon ng kapangyarihan.”
Isa sa mga bida ng “Tanging Yaman” ang bagong drama princess na si Erich Gonzales na minsan ding na-link sa kanya noon. “Wala, hindi. Talagang si Erich kasi artista ko na simula pa nu’ng ‘Mga Anghel na Walang :Langit.’ Fifteen years old pa lang siya noon. Tapos ‘Calla Lily.’ So, ‘yun lang. Very close kami ni Erich.” Close pa rin ba sila ni Erich lalo na’t ginagawa nila ang “Tanging Yaman?” “Yes, ever since naman close kami. Ngayon lang, nu’ng hindi na kami nagkatrabaho, siyempre. Pero we’re always in touch. Close naman ako, actually to Erich, to Enchong and me are very close. Iba kasi kapag nag-start kayong ano like Erich is starting out and then Enchong ‘yung ano first na bida talaga siya ‘yung sa ‘Boystown.’ Doon kami unang nagsama. So, ako, I really develop strong bond with my stars.”
Wala naman daw dapat ikailang si Direk Lino with Erich dahil at least ngayon kay Enchong na nail-link ang drama princess. “Ah, hindi, hindi. Kasi ako talaga I really like developing relationships with my stars. Oo, kasi feeling ko doon din gaganda ‘yung show, e. ‘Tsaka sabay-sabay kaming tatanda sa industrya. Of course, magandang to have a good relationship sa mga katrabaho mo.”
Related Articles and Link  
|
| |
| | An error was encountered while trying to retreive the data: 'Timeout expired. The timeout period elapsed prior to completion of the operation or the server is not responding.' | | See all articles... |
| |