Monday, May 21, 2012
Gabby Concepcion admits that he didn’t expect to have a successful showbiz comeback
by Bernie Franco | January 11, 2010 1:14 AM | 

Tanging pasasalamat lang ang nabanggit ni Gabby Concepcion sa The Buzz kahapon nang sabihin Kris Aquino at Ruffa Gutierrez ang tungkol sa matagumpay na showbiz comeback ng aktor. Sinabi naman ni Gabby na dumarating ang maraming blessings dahil sa pagiging seryoso niya sa trabaho.

Sobrang natuwa rin si Gabby sa pagkakabuo pa ng fans club nila ni Lorna Tolentino na na tinawag na GaLor (o Gabby and Lorna) mula sa tandem nila sa teleseryeng Dahil May Isang Ikaw. “Hindi ko akalain na mangyayari sa akin na maraming surprises ang showbiz,” sabi pa niya.

Kinumpirma rin ni Gabby na sisimulan na soon ang pagsasamahan nilang pelikula ng anak na si KC Concepcion. Nang tanungin naman siya kung mangyayari rin ba ang pagnanais na magkaroon sila ng pelikula ng ex-wife na si Sharon Cuneta, sinabi ng aktor na hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na mangyari ito in the future.

Halata namang iwas sa mga intriga si Gabby sa tuwing may maiintrigang tanong sina Kris at Ruffa. Natuwa rin ang aktor sa ibinalita ni Kris na pumayag si Sharon na siya kakantahin niya ang version ng Kung Tayo’y Magkakalayo for the sake of Kris and Gabby. Recently ay inamin ni Gabby na binati niya si Sharon sa birthday niya noong January 6.

Last week na ng teleseryeng Dahil May Isang Ikaw pero susunundan kaagad ito ng Kung Tayo’y Magkakalayo na magsisimula sa January 18.

Related Links and Articles

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedbackTFCnow




Pinky Webb probes sexual harrasment of minor in 'XXX'
Pinky Webb will look into the indecent activities of a German national who is allegedly molesting the child of his Filipina wife.
Goin' Bulilit kids meet 'Arowana'
The kiddie gang spoofs the teenage mermaid this Sunday.
DZMM's “Kabayan” makes it as only PHL finalist at New York Festivals
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers