Saturday, March 20, 2010
Martin Nievera and Pops Fernandez talk openly about their relationship on The Buzz
by Bernie Franco | February 07, 2010 11:03 PM | 

Sumalang noong Linggo sina Martin Nievera at Pops Fernandez sa The Buzz Tough Ten kung saan naging vocal ang isa’t isa sa mga tanong sa kanilang kasalukuyang relasyon. Bilang Concert King and Queen parehong napisil ng dating mag-asawa sina Sarah Geronimo at Erik Santos na maaaring pumalit sa kanilang mga trono.

Inamin din ng dalawa na may naramdaman sila para sa isa’t isa nang magkaroon sila ng kissing scene para sa isang music video na ipalalabas sa kanilang upcoming Valentine concert. Honest ding inamin ni Pops na nakaramdam siya ng panghihinayang sa paghhihiwalay nila ni Martin. “When we decided to get married, every woman naman when they get married they wanted it to be a forever thing. Lalo na sa akin I come from a broken family so gusto ko nung ikinasal kami sana ito na ‘yon. Kumbaga tatanda kami together pero okay na rin kasi magkaibigan kami,” kuwento ni Pops.

Kinumpirma naman ni Pops na on good terms na silang muli ng dating boyfriend na si Jomari Yllana. “Okay in the sense na finally nag-uusap na kami. Pero ‘yung mga serious usap hindi pa. Kasi nga tamang-tama Bagong Taon, so di ba dapat you leave all the pains behind?” ani Pops.

Sa lahat naman ng na-link kay Pops, pinakagusto umano ni Martin si Piolo Pascual na nakasama rin nila sa ASAP. Kuwento pa nga ni Martin, sinabihan pa niya si Piolo na gusto niya ito para kay Pops. “Siya lang because he’s such a nice guy. There was a little konting a little chismis lang (noon tungkol sa kanila). I approved (of him), good looking, God-fearing, everything,” ani Martin.

Sana rin daw ay hindi muna mag-asawa ang kanilang dalawang anak, si Robin at Ram at nais nilang mag-enjoy muna sila sa kanilang mga buhay. “After whatever happened in our lives, siyempre ngayon nari-realize ko dapat yata nga mas mag-enjoy muna ang mga anak namin. Madami pa sila dapat ma-experience tapos madaming gawin bago sila mag-decide to be with someone,” sabi pa ni Pops.

Related Links and Articles

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedbackTFCnowWeb


Tags:

‘ASAP XV’ launches new Kapamilya summer station ID live in Boracay
‘ASAP XV’ launches ABS-CBN’s advocacy campaign via live streaming on March 21.
Director Mae Cruz reveals juicy details about Anne Curtis and Sam Milby
‘Babe I Love You’ director Mae Cruz explains the real deal behind Anne Curtis and Sam Milby’s much-speculated romance.
Jericho Rosales supports Kristine Hermosa’s team-up with Oyo Sotto
Jericho Rosales is dismayed over criticisms about Kristine Hermosa’s relationship with Oyo Sotto.
See all articles...
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers