Abala ang singer-actress na si Karylle ngayon sa bago niyang nadiskubre ng sport that keeps her in shape, running. In fact she’s running ‘pag free siya tuwing Linggo at talagang siniseryoso daw niya ang pagtakbo. Ito ang ikinwento ni Karylle sa ABS-CBN.com nu’ng dalawin namin siya sa studio ng ASAP XV while having her late lunch.
Pagkatapos ng Dahil May Isang Ikaw, pinag-uusapan pa rin daw ngayon ng management kung ano ang susunod na proyektong gagawin ng aktres. Masaya si Karylle sa epekto ng una niyang soap sa ABS-CBN sa kanyang career. “When we went to the States, doon ko lang naramdaman ‘yung effect ng TFC, sobra akong na-shock kasi hindi naman ako nila kilala tapos ganoon na ang pagtanggap nila (fans) sa akin. Tinatanong nila ako kung bakit namatay ‘yung character ko sa soap, ganoon. Nakakatuwa na talagang sinubaybayan nila.” One good thing about Karylle, she doesn’t mind playing kontrabida sa teleserye. “Kasi hindi mo naman isinusukat sa role, ‘di ba? Kung anong klaseng treatment, sobrang na-challenge naman talaga ako.”
Nilinaw din ni Karylle ang tungkol sa pagkaka-link niya sa isang DJ something ba ito? Anong nangyari na? “Eh kasi lahat ng mga friends ko, lahat ng taga-Magic (isang radio station), sobra kong close. Siguro, as of January, I had four charity projects with them so, madalas akong nakikita roon. Nagpa-plug ako ng kung anu-anong event. And they’re all very, very supportive kasi ang hatak nila sa youth is very, very strong. And even the bosses, sobra ko silang ka-close. I met with them the other day, nag-plug ako ng mga show, at sabi pa nga ng boss nila, o, wala ka pang project uli ah? Gawa tayo. Ganoon.” Pero nagkikita pa ba sila nu’ng guy na nali-link sa kanya? “Hindi na eh, actually matagal ko na rin siyang hindi nakikita. ‘Pag lumalabas kami siyempre same barkada, eh, nakikita rin kami kaya may ganoong kuneksyon.”
Matatandaang na-link din noon sina Karylle at Jericho Rosales, na nakasama sa DMIK, but it seems they are better off as good friends. “Alam mo, natutuwa ako, dahil si Jericho is a very, very good friend of mine.” Muli ay tinnaong namin si Karylle, hindi ba nila hinayaan na ma-develop ang friendship nila into something else? “Alam mo, mahirap, ma-develop ‘pag ka-trabaho mo ‘yung tao. Akala ng mga tao, ang kulit namin, sinasabi naming magkaibigan lang kami. Siyempre ‘yung mga tao, ‘yung iniisip, there’s something more. Iba kasi ‘yung mga pinag-uusapan naming lalim, natutuwa ako sa advice na binibigay ko sa kanya.” Eh, si Chesca Litton na rumored girlfriend daw ni Jericho, nakakausap na niya? “Hindi. Pero nakikinig ako minsan sa show niya, sa radio show nila ni KC Montero.”
Matagal-tagal na rin walang minamahal si Karylle. Matapos ang masakit at kontrobersyal na hiwalayan nila ni Dingdong Dantes eh, kamusta na ngayon ang puso ni Karylle? “Okay naman, it’s very good, very healthy. Lalo na pagdating sa trabaho. Ang dami kong nagawang shows, concerts nu’ng nakaraang Valentine’s so it was very successful. Sobra nga akong na-flatter kay Tito JoMari Chan (Jose Mari Chan), nu’ng sinabi niyang you’re beginning to be one of my favorite singing partners. And for him to say that, talagang wow. I’ve sung with him thrice na rin pero ito lang talaga ‘yung Valentine’s concert na nakasama ako sa kanya.”
Again we asked Karylle even if this is already part of her past, balitang nagpunta ng Spain si Dingdong kasama ang kasintahang si Marian Rivera weeks ago? “Hindi na lang ako magku-comment, alam mo mai-in trouble na naman ako.” biglang pag-iwas ni Karylle. So, ayaw na talaga niyang magsalita about that? “Anong oras na? It’s time to move on!” sabi pa ni Karylle, at biglang tumawa na lang din. Ayaw na niyang magbigay ng komento pa dahil baka ma-misinterpret na naman daw siya. Aniya, she’s already out of the picture at hayaan na lang daw na ganoon.
Related Links and Articles



