Roxanne Guinoo admits she is twelve weeks pregnant |
| by Bernie Franco | March 01, 2010 12:22 AM | |

Kinumpirma ni Roxanne Guinoo sa exclusive interview sa kanya ng The Buzz na twelve weeks na siyang buntis mula sa kanyang non-showbiz boyfriend of three years. Nakatakda umano silang magpakasal early next year. Ang paglalantad ni Roxanne ay sagot rin sa mga lumalabas na balitang nagpa-abort umano ang aktres.
“Kami naman po we don’t consider this a big mistake,” bungad ni Roxanne. “We consider this as a big blessing, na itong batang ito simbolo ito ng pagsasama namin, magandang pagsasama until the end of time.” Hindi man umano sang-ayon ang ibang tao dahil nauna ang pagbubuntis kaysa kasal, hindi na rin umano iyon isyu sa magkasintahan.
Malaking sorpresa din ang natanggap ni Roxanne dahil sa kanyang pagbubuntis ay hindi na raw umano niya inasahan na magpo-propose pa sa kanya ang boyfriend. Nasorpresa umano siya nang dalhin siya ng boyfriend sa hardin at naroon ang isang malaking cake na may nakasulat na “Will you marry me.” “Sinurprise niya ako so mas naramandan ko na napakaimportante ko nga sa buhay niya na hindi ito gagawin dahil kailangan o dahil may bata, na gagawin natin ito dahil gusto natin,” paliwanag ni Roxanne.
Itinanggi rin ni Roxanne ang mga balitang hinihingan daw ng kanyang mga magulang ng kung anu-ano ang kanyang boyfriend. “May sariling bahay at lupa po kami bago ako mag-artista. May negosyo rin po kami. Nung nag-start ho akong magtrabaho ang kinikita ko ho para sa sarili ko.”
Nang hingan siya ni Boy Abunda ng mensahe para sa kanyang future husband, ang sabi ni Roxanne, “Hanggang nabubuhay ako, hanggang nagmamahalan kami wala na siyang dapat ikatakot. Buo na ang pamilya namin. Wala nang puwedeng tumibag pa sa amin. Ngayon pa na may baby kami.”
Samantala, sinabi ng aktres na hindi niya iiwan ang pagso-showbiz kahit na pamilyado na siya.
Related Articles


