Gretchen Barretto signs an exclusive contract with ABS-CBN |
| by Bernie Franco | March 04, 2010 10:19 AM | |
Official Kapamilya star na ang controversial actress na si Gretchen Barretto dahil nung March 3 ay pumirma na siya ng kontrata together with the ABS-CBN executives, which includes Star Cinema managing director Malou N. Santos, Star Magic’s Johnny Manahan at Mariole Alberto, at talent mananger-host Boy Abunda, Gretchen’s manager.
Kuwento ni La Greta, ang pinirmahan niyang kontrata ay para sa gagawin niyang teleserye together with Bea Alonzo and Derek Ramsay. Ngayon pa lang ay excited na siya sa gagawing project.
Nang tanungin siya kung ano ang pakiramdam na ngayon ay official Kapamilya talent na siya, ang nakatutuwang sagot ni Gretchen, “Ang galing, magkakaroon na ako ng ID dito. May swipe card na ako. Kasi araw-araw akong nandito tapos tinatawag pa namin ‘yung marshal [para makapasok]. May ID na ako nakalagay Gretchen Barretto, Kapamilya.”
So far ay sa teleserye ang focus ni Gretchen at kung gagawa man ng pelikula ay pag-uusapan pa. Pero kung sakaling gagawa man, ang gusto niyang makapareha ay si John Lloyd Cruz na kamakailan nga rin daw ay napanood sa SNN at sinabi ng binata na gusto rin niyang makatrabaho ang aktres. “Na-inspire ako. Great! Gusto ko rin. Sabi niya, ‘Ikaw kasi may Derek na. Sabi ko, ‘Ikaw naman ‘wag ka namang magselos,” sabay tawa ni Gretchen.
Sinabi rin ni Gretchen na all-out ang support sa kanya ang partner na si Tony Boy Cojuangco sa kanyang desisyon. Ikinuwento niya na sinabi niya kay Tony Boy na magkaka-career na siya at magiging good girl na siya dahil wala na siyang panahon sa kalokohan, at pinayagan naman siya ng partner.
Related Articles

