Monday, May 21, 2012
Kris Aquino: ‘I am not a liar’
by Bernie Franco | March 15, 2010 1:16 AM | 

Naging madamdamin ang mensahe ni Kris Aquino sa The Buzz kahapon dahil sa apektado na raw siya sa paggamit sa kanya upang sirain ang kampanya ng kanyang nakatatandang kapatid na si Sen. Noynoy Aquino. Matapos kasi ang nangyaring insidente sa kanila ni Ruffa Gutierrez noong nakaraang linggo sa The Buzz ay idinadamay umano pati ang kanyang pamilya.  “Tao lang ako talaga and I said this election, lahat ng kagalit ni Noy, kung may kailangang pintasan, ako parati tapos sinabi ko kay Ate (Ballsy), ‘Ate, parang mababaliw na ako kasi mababasa mo na parang ikaw na ang pinakawalanghiyang tao sa mundo, lalabas ka at libo-libo naman ang ang nagsasabing, ‘I love you, Kris,” pagpapaliwanag ni Kris hinggil na sa nakitang suporta sa kanyang pamilya nang mangampanya.  

Sinabi rin ni Kris na ikinonsidera daw niyang magpaalam na sa The Buzz dahil umano sa nangyayaring panggagamit sa kanya ng mga detractors laban sa kapatid. Tinanong daw niya ang kanyang tatlong ate, sinabi Ballsy, Pinky at Viel. “People always say I’m a brat but I’m not a brat when it comes to my family. Sabi ko kay Ate, ‘Ate, di ba sinabi ko sa inyo lahat gagawin ko para sa pamilyang ito?’” pahayag ni Kris na sinabing kapag sinabi nilang mag-sorry siya ay hihingi siya ng paumanhin kahit na sa opinyon niya ay wala siyang ginawang masama. Nabigyan daw siya ng lakas ng loob ng sinabihan siya ng mga kapatid na hindi siya quitter at kailangan niyang maging matapang.

Masakit po sa akin na ginagamit ako para sirain ang pamilya ko. Nagbago naman po ako, eh,” paliwanag ni Kris habang umiiyak. “Everyday I tried to be a daughter that my mom deserved. Sana po nararamdaman n’yo kung gaano kalungkot talaga. Sana alam din n’yo kung gaano kahirap. I just missed my mom. Kasi kung andito si Mom, hindi ganito.”  

Pinasalamatan din ni Kris ang kanyang mga kapatid sa patuloy na pagbibigay sa kanya ng lakas ng loob. “Sa lahat po ng pinagdadaanan, this election that I never wished for, sinabi ko, ‘Thank you, Ate, kasi love n’yo ko at hindi n’yo pinaparamdam na pabigat ako sa inyo,” share ng actress-host.  

Umaasa rin si Kris na sana ay talagang matapos na ang naganap sa pagitan nila ni Ruffa noong nakaraang linggo. “Tapos na ho ‘yon at sana po tapos na pero alam ko hindi pa talaga tapos, eh.” Ibinahagi rin ni Kris pinadalhan siya ng mga bulaklak na may kasamang note na sana ay magkaroon ng peace sa pagitan nila.  

Samantala, nagpasalamat naman si Kris sa kanyang Kapamilya network na hindi siya pinabayaan at lahat ng mga sumusuporta sa kanya sa loob ng maraming taon niya sa showbiz. “I am not perfect, and I will never be perfect. But I’m not a liar at hindi po ako masamang tao. Sinusubukan kong maging mabuting tao at hinayaan n’yo naman po ako to improve as a person,” sambit ng Queen of All Media.

Related Link and Articles

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedbackTFCnow


Pinky Webb probes sexual harrasment of minor in 'XXX'
Pinky Webb will look into the indecent activities of a German national who is allegedly molesting the child of his Filipina wife.
Goin' Bulilit kids meet 'Arowana'
The kiddie gang spoofs the teenage mermaid this Sunday.
DZMM's “Kabayan” makes it as only PHL finalist at New York Festivals
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers