Maria Venus Raj fights for her right as Bb. Pilipinas-Universe |
| by Bernie Franco | April 05, 2010 12:16 AM | |
Halatang masama ang loob ni Maria Venus Raj sa pagkaka-dethrone niya as the Binibining Pilipinas-Universe 2010 dahil diumano sa inconsistencies na natagpuan ng pamunuan ng Binibining Pilipinas Charities sa kanyang mga statements tungkol sa kanyang kapanganakan at sa kanyang birth certificate. “Sobrang sakit lang po sa akin ang sinasabi nila na I am disqualified kasi I am born out of wedlock and hindi ako qualified for Miss Universe (pageant) dahil hindi ako ipinanganak sa Pilipinas at kung may inconsistencies man po, sa tingin ko, hindi ko kasalanan ‘yon,” himutok ng 23-year-old beauty queen sa The Buzz kahapon. Sinabi rin ni Venus na kumukonsulta na siya sa abogado dahil ilalaban daw umano niya ang kanyang korona na aniya ay pinaghirapan niyang makuha at deserving siya rito.
Sa isyung born out of wedlock siya, inamin niyang hindi kasal ang kanyang nanay na Filipina at Indian national na ama na never na niyang nakilala. Bukod pa rito idinepensa rin ni Venus na sa pagpapakilala raw niya during sa pageant ay vocal siya sa pagsasabing isinilang siya sa Qatar at lumaki sa Pilipinas. “’Yun po ang katotohanan na kahit minsan hindi ko po itinago. Screening sinabi ko na po ‘yon sa kanila. Nagpapakilala po ako sabi ko na, ‘I am Maria Venus Raj, I was born in Qatar, I was raised here in the Philippines.’” Emosyunal ang dalaga sa pagsasabing wala siyang alam na nagsasabing hindi puwedeng sumali sa beauty contest ang isang contestant na anak sa labas.
Inamin din ni Venus na aware siya sa inconsistency na nakalagay sa birth certificate niya na sa Camarines Sur siya isinilang subalit nagpapakilala siyang isinilang sa Qatar, pero hindi na niya inayos pa ito dahil sa simula pa lang ng competition ay alam na raw ito ng Binibining Pilipinas management. “Mahirap kaming pamilya, kung magulang ka ang iisipin n’yo lang ay pampakain sa mga anak n’yo. Iisipin n’yo pa ba ‘yung mga dokumentong ito na gagamitin sa pagsali sa beauty contest?” himutok pa ng dalaga.
May isang rebelasyon ding inihayag si Venus hinggil sa kanyang birth certificate. “Ang totoo po ang tita ko ang nagpa-register sa akin nung bata ako kasi three years after (akong ipinanganak nang ipa-register). Ang nanay ko nahihiya po siya noon na lumalabas at magpa-register sa akin kasi tsinitsismis ng mga tao na nasa paligid niya,” pag-amin niya. “Hindi alam ng nanay ko na ‘yun ang information na sinabi ng tita ko so ‘yun po ang pagkakamaling hindi kasalan ng nanay ko at hindi ko rin kasalanan.”
Nilinaw ni Venus na hindi siya galit sa pamunuan ng Binibining Pilipinas at ang tanging hiling ay linawin sa kanya ang dahilan ng pagkaka-disqualify sa kanya na sinabi pa nang matapos siyang makoronahan. “Sana linawin nila ang dahilan ng pag-dethrone sa akin kasi hindi po malinaw. Alam ko po nakapasa ako kung anuman ang qualifications na mayroon sila at siguro from the very beginning sana sinabi nila para hindi napo ako umasa. Hindi ako nagtago sa kanila, hindi ako nagsinungaling sa kanila from the very beginning may mga videos na makapagpapatunay nito noon pa lang. I know I deserve the crown at wala po akong nakikita para i-disqualify nilaako for that.”

