John Estrada and Priscilla Meirelles plan to have two wedding celebrations next year |
| by Rachelle Siazon | May 08, 2010 12:39 AM | |
February 2011 pa ang itinakdang kasal nina John Estrada at Priscilla Meirelles. Pero ngayon pa lang ay sobrang excited na ang former Miss Earth beauty queen dahil bukod sa gaganaping pagkakaroon ng selebrasyon dito sa Pilipinas ay balak din nilang magpakasal din sa Brazil kung saan lumaki si Priscilla. “We’ll be having dalawang weddings, one dito and one sa Brazil. Siguro it will take place three to four months after ng wedding dito sa Pilipinas, around June or July. It’s very important to my family that we marry there also”, kwento ni Priscilla na mas pinagbubuti ngayon ang pag-aaral ng Filipino language.
Aprubado naman na ng mga magulang ni Priscilla si John, pero iba pa rin daw kung makikilala nito ng lubusan pati ang kanyang mga kamag-anak sa Brazil lalo pa’t very family-oriented din ang dalaga. “Kasi ang daddy ko and brother ko, they always come here in Manila every year to visit me. Pero ang lola ko, ang tita and tito ko, hindi pa siya (John) na-meet. So my family in general, they really want him to have a great experience. Meron (na) kaming plans what place to visit. It’s more importante that he has an idea of everything about Brazil. Pero ang time talaga is short also. Hindi siya pwede mag-stay dun for too long so siguro two to three weeks lang,” dagdag pa ni Priscilla.
Sa ngayon ay todo kayo dang aktor sa teleseryeng Agua Bendita upang paghandaan ang kanilang kasal habang ang Brazilian model ay busy din sa kanyang iba’t ibang commercial endorsements.
Related Links and Articles

