John Lloyd Cruz declares he is not guilty of tax evasion |
| by Bernie Franco | May 10, 2010 1:52 AM | |
Nilinaw ng kampo ni John Lloyd Cruz na wala silang natanggap na subpoena at wala umano utang ang aktor sa Bureau of Internal Revenue (BIR) sa isyung kakasuhan umano siya ng ahensya dahil sa hindi umano nito pagsusumite ng kinakailangang dokumento at diumano’y tax evasion. Ayon sa report ay dalawang beses umanong pinadalhan ng BIR si Lloydie ng subpoena upang isumite ang mga kailangang dokumento pero hindi daw sumipot ang aktor sa hearing at sinampahan umano siya ng kaso noong Marso 26, 2008.
Sagot naman ng abogado ni John Lloyd na si Atty. Marc Perez, “John Lloyd is not guilty of committing such an offense because, number one, invalid ‘yung subpoena na inisyu ng BIR and then number two wala naman siyang knowledge or whatsoever na pinadalhan siya ng subpoena ng BIR, so paano siya magko-comply?” Nilinaw rin ng abogado na walang utang si John Lloyd na P300,000 gaya ng nasusulat. “‘Yung kaso (filed against) John Lloyd does not involve tax evasion kasi ‘yun ang lumalabas sa mga news items ngayon, eh. But this is not a tax evasion case,” ani Atty. Perez. “Just to set the record straight, wala pong utang si John Lloyd Cruz sa gobyerno. Lahat po ng pagbabayad niya ay naaayon po sa batas. Si John Lloyd Cruz po ngayon patuloy lang sa pagtatrabaho. Wala naman po talaga siyang bina-violate na batas. Confident po kami na mananalo kami rito.”
Dagdag pa ng abogado ay naipanalo na nila ang kasong ito kung kaya’t nagulat sila sa biglang pagsulpot muli ng isyu. Nasa kamay na ngayon ng korte ang kaso at nasa kanila ang huling pasya hinggil sa kahihinatnan nito. Sinigurado naman ng abogado na sa mga tagasuporta ni Lloydie na huwag mangamba dahil sigurado ang kampo ng aktor na malalampasan nila ito.
Related Links and Articles


