Saturday, May 25, 2013
AiAi delas Alas and Pokwang finally meets face-to-face
by Bernie Franco | May 24, 2010 1:22 AM | 

Sa tulong ni Kris Aquino ay nag-krus na sa wakas ang landas nina Comedy Concert Queen AiAi delas Alas at Pokwang na iniintriga noon na may hidwaan dahil pinagbabangga silang dalawa sa kung sino ang mas sikat.

Bilang mediator ay present si Kris nang magkita ang dalawang komedyante sa isang restaurant. Pagbabahagi ni Pokwang, hindi raw siya agad nakapag-react nang sabihan siya ni Kris na magkikita sila ni AiAi. Pero umoo raw siya kahit na kinakabahan. “Dream come true. Totoong idolo ko talaga (si AiAi) heto na,” pagbabalik-tanaw ni Pokwang.

Nang tanungin naman ni Kris si AiAi kung ano ang nakita niyang nagustuhan niya kay Pokwang, sagot ng Comedy Queen, “’Yung pagiging nanay ko nakikita ko sa kanya. Nakita ko ngayong nagkita kami, nakita ko kung gaano siya kabait and ‘yung sincerity niya nakita ko and naiyak din ako sa kanya.”

Sinabi rin ni Kris na bukod sa parehong mahusay na komedyante, kilala niya ang dalawa na prayoridad ang kani-kanilang pamilya at kaya pinagpapala ay dahil pareho silang maalaga sa kanilang mga ina.

Never pang nagsama sina AiAi at Pokwang sa isang proyekto at hindi raw malayo ang posibilad na magsama sila sa isang pelikula. Comedy horror ang gusto ni AiAi, samantalang gusto raw ni Pokwang na fantasy-horror-comedy na may pagka-action ang first project nila. Bukod sa pagiging komedyante, marami ring things in common ang dalawa gaya ng pagiging single moms, at hindi masyadong masaya ang buhay pag-ibig.

Ang mensaheng ibinigay ni AiAi kay Pokwang, “Galingan mo pa rin sa Wowowee, do your best. Gusto kong maging happy ka.”  Sagot naman ni Pokwang, “Bilang ikaw ang reyna ng iyong mga anak, reyna ng iyong pamilya, sana po kung ano ang wish n’yo sa kanila matupad at patuloy kitang magiging idol.”  

Related Links and Articles

The
ABS-CBN
ForumsSend us
your feedbackSend us
your feedback


Star Magic celebrates 21 years of star power on ASAP 18
Don’t dare miss the exciting anniversary celebration of the country’s premiere star maker this Sunday.
An unexpected error has occurred. The item cannot be displayed. Please check the error log for more information.
‘Be Careful With My Heart’ concerts draw thousands in Los Angeles and Kissimmee
TFC Presents scores back-to-back event winners with Sir Chief,Maya and the gang in U.S. tour
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers