Monday, May 21, 2012
Jericho Rosales says he hopes to work with KC Concepcion again
by Dominic Rea | June 05, 2010 12:32 AM | 

Ngayong Hunyo ay mapapanood na rin natin sa wakas ang pelikulang I'll Be There ng Star Cinema kung saan bida sina Gabby Concepcion, KC Concepcion at Jericho Rosales sa direksiyon ng premyadong direktor na si Maryo J. Delos Reyes. Nakausap naming si Jericho Rosales and wala siyang itulak kabigin sa kanyang mga katrabaho. “It was a very memorable time for me as an actor na makatrabaho ko in this project ang isang napakagaling na direktor natin sa industriya like Direk Maryo J. Delos Reyes.Hindi ko sukat akalaing one of these days ay magiging direktor ko siya, sobrang galing at ang dami kong napulot kay Direk Maryo while shooting this movie together with Gabby Concepcion and KC Concepcion, it's my privilege talaga.

Naikwentopa ni Echo kung gaano kasarap magtrabaho sa set ng kanilang movie. "Actually, eto na 'yung pinaka-light but very touching movie na ginawa ko sa ilang taon ko in this business. Napakaganda nung ginawang treatment ni Direk Maryo sa movie, very situational, pero sapol 'yung characters. The fact na ang sarap kasama si Sir Gabby, very relax and cool, si KC, makulit at masayang katrabaho, lagi kong inaagawan ng pagkain. Kasi, kapag nasa set na ako, kahit si Direk Maryo, sinabi niya na makulit ako, well, kapag nasa set talaga ako, makulit talaga ako, yun kasi 'yung naging hobby ko,” bungisngis pa nitong kuwento sa amin.

Marami ang naglabasang niligawan daw niya si KC Concepcion while shooting I'll Be There at marami rin ang nagsabing for the sake of publicity lamang ang lahat? “Actually, sa totoo lang, hindi ko po talaga niligawan si KC. Napaka-professional niyang tao, like her father, si Sir Gabby, ang taas kasi ng respeto ko kay KC eh. At saka, kung naging close man kami doing this movie, hindi mo maiwasan 'yun because working together kami and bonding dito at doon, niyaya ko nga siyang manood ng sine noon, sabi niya paalam daw ako sa dad niya, ginawa ko, sabi ni Sir Gabby, go, enjoy! Yun nga lang, hindi kami natuloy," linaw pa ni Jericho.

Sinabi ni Jericho he looks forward to working with KC again. “Actually, sana after this movie ay makagawa pa kami ulit ng movie together. Well, depende na rin siguro 'yun sa kalalabasan ng pelikulang ito but am looking forward na hindi ito ang una at huling pagsasama namin ni KC sa movie...she's a very honest girl, sobrang mabait at professional, mami-miss ko siya. The fact na marami na rin ang nakapagsabi sa amin na maganda raw 'yung working rapport at may chemistry daw kaming dalawa...nakakataba ng puso," habol pa nitong tugon sa ABS-CBN.com.

In our interview, very vocal din ang sikat na aktor sa pagsasabing excited na rin siya sa isang tv show-soap na pagbibidahan nilang dalawa ni Anne Curtis sa Kapamilya Network. “Actually, first time namin together for this new show, Green Rose yata 'yung title nung show, actually, nakita ko na rin 'yung dvd and maganda nga siya. Actually, sa ngayon palang ay naghahanda na rin ako for Green Rose, exciting ang new show na ito na alam kong sa ngayon palang ay marami na rin ang nag-aabang."

Related Links and Articles

The
ABS-CBN
ForumsSend us
your feedbackSend us
your feedbackSend us
your feedback


Pinky Webb probes sexual harrasment of minor in 'XXX'
Pinky Webb will look into the indecent activities of a German national who is allegedly molesting the child of his Filipina wife.
Goin' Bulilit kids meet 'Arowana'
The kiddie gang spoofs the teenage mermaid this Sunday.
DZMM's “Kabayan” makes it as only PHL finalist at New York Festivals
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers