Thursday, May 23, 2013
Aga Muhlach is excited for both his TV and movie projects
by Julie Bonifacio | June 08, 2010 8:06 AM | 

Balik-taping for a television show ang aktor na si Aga Muhlach. Ratsada na sa taping si Aga para sa kauna-unahang TV show nila ng Comedy Queen na si AiAi delas Alas sa ABS-CBN na pinamagatang “M3 (Malay Mo Madevelop)” sa direksyon ni Jeffrey Jeturian.

More or less two and half years din hindi nag-taping si Aga ng isang regular show sa ABS-CBN. Pero hindi naman daw niya na-miss ang pagti-taping. “Ayos lang,” bungad ni Aga. “Nanibago lang ako. Medyo iba lang.” Tinanong naming kay Aga kung ano bang meron sa “M3.” “Halo ng drama at sitcom, eh. Kumbaga, basta istoryang totoo lang.   Tumatakbo lang siya na istoryang totoo lang. Ibig sabihin, kapag pinanood mo siya hindi siya, wala kang makikitang adlib-adlib ‘yung mga ganu’n. But  it’s just ano, kung ano lang ‘yung nakagalay sa script, ‘yun lang ang gagawin namin. So, kumbaga, script-based kami.   So, parang kung nakakatawa siya  kasi totoong nakakatawa siya. Hindi ‘yung pinipilit lang. Hindi ito slapstick.”

Totoo ba na personal choice niya si AiAi na makasama sa bago niyang show sa Kapamilya network? “Oo, that’s why. Kapag may kasama kang mga ganyan, e, ‘di okay. ‘Tsaka makikita mo na agad ang ibibigay niyang reaksyon sa  ’yo.” Natawa naman siya? “Oo naman.  natuwa naman ako sa kanilang lahat. ‘Tsaka  kumbaga, I was not even thinking na this is my show.  No, it’s our show. It’s a show we want to present satao. And then, tingnan natin. Pero  hindi, sigurado ako na maganda ‘to.  Kasi  ito ‘yung noon ko pa inaano na parang pelikula lang talaga.  Kasi sabi ko nga when they told me years ago na parang  ang sitcom wala na talaga, and I realized na wala naman na talaga. Kahit ako kung mag-sitcom  ulit ako parang hindi ko na rin kaya. Parang anong gagawin ko? Natatawa na naman ako… parang ganu’n.”

Umamin naman si Aga na hirap na siya sa pagme-maintain ng kanyang katawan kaya’t maintainance na ang focus niya sa “M3”. “Naku, hindi na. Hirap na ako. Ang pagpapayat kong ito ngayon mga two  more weeks,  three more weeks pa siguro ayos na ayos na ako. Pero ayoko na more than that.  Hindi na ako magpapataba ulit. Mahirap na kasi you get older.   Isang taon na akong nagpapapayat, hahaha. Unlike noon ilang months lang. Isang buwan, dalawang buwan lang. Dati nga next week lang sinasabi ko payat na ako, e.  Ngayon, hindi na, mga next year na ako papayat. ‘O, ang taba mo?’ ‘Oo, magpapapayat ako next week. Tulungan mo ako next week,’ hahaha.”

As for his movie with Angel Locsin, panay din naman daw ang rehearsals nila at malapit na rin ang first day shoot nila. “Nagre-rehearse rehearse na kami. Puro rehearsals kami  tapos June 10 ang first  day namin.  We were supposed to have started last week but they gave way first para sa show na ito (M3). Si Angel nag-start din ng soap niya (with John Lloyd Cruz). So, parang magbabaon muna kami ng isang buwan. Para when we start on June 10, tuluy-tuloy  na, malinis na. Makakapag-shoot na kami. Alternate  naman kami like one week movie,one week  TV. Mas madali na ‘yun. Ang working title niya is ‘Huling Sayaw.’”

Shinare na din ni Aga kung anong role nila ni Angel sa pelikula. “Pareho kaming dancer sa movie. Pero hindi siya strip teaser. Parang pareho kami ng history namin.  Pareho kaming dancer, parang ‘yun ang back ground ng istorya. It’s a love story but  mas malalim lang siya kasi mayroong  politics involved. Malaki ang scope ng movie, iba ito.  Ibig sabihin, aabot sa point na may barilan pa, ganu’n. Action-drama ‘yung movie.  Madilim siya. Madilim ‘yung pelikula. May barilan… ibig sabihin ganu’n ang scope niya. It’s not your typical love story. Pinag-usapan nga namin ni Direk Olive (Lamasan) kung gagawa kami ulit ng pelikula, kumabaga, it should be really something different.”

Ayon din kay Aga, makakasama nila si Jake Cuenca sa pelikula at may eksena na kukunan sa Japan. “Kasama rin siya. ‘Yun pa lang ang alam ko si Jake. But ‘yung sa amin ni Angel kasi, pag-shoot namin sa June 10, and then we’ll leave on June 15 for Japan already.  May shooting kami ng ten days sa Japan. Excited ako to film. I’m excited to shoot a film in Japan. Pero pagpunta doon  okay lang naman.  Maraming beses na rin kasi  akong nagpunta doon.  ‘Tsaka naga-out of the country naman kami for work, it’s really hard ‘no.  Wala ka rin namang  vacation time doon ‘di ba? Tuluy-tuloy din ang shooting which is nice. Mas gusto ko ‘yun kasi walang hinto. Hindi  tumtitigil. Hindi ka uuwi ng bahay at dala-dala mo pa ‘yung character. That’s why it’s better. Buti nga ganoon ang sched. Nu’ng una hindi ganoon ang sched, e. If we start last month, wala. E, ‘yung first part talaga ng movie ang shooting sa Japan . Makukunan na namin agad ‘yun, so, tamang-tama lang,”  tapos ni Aga.

Related Articles

The
ABS-CBN
ForumsSend us
your feedback


‘Be Careful With My Heart’ concerts draw thousands in Los Angeles and Kissimmee
TFC Presents scores back-to-back event winners with Sir Chief,Maya and the gang in U.S. tour
'My Little Juan' pilot wins national TV ratings
According to Kantar Media 'My Little Juan' reached 17.3% national TV ratings last Monday.
Desiree Del Valle and Andi Eigenmann play cousins in MMK this Saturday
Desiree del Valle and Andi Eigenmann will topbill "Maalaala Mo Kaya" this Saturday (May 25) as they take on the roles of cousins Jane and Lyka.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers