Kris Aquino on her marriage to James Yap: 'Ako, sumuko na' |
| by Bernie Franco | June 28, 2010 1:20 AM | |
Pagkatapos ng walang tigil na mga balita hinggil sa pag-aaway diumano nina Kris Aquino at asawang James Yap, binasag na ni Kris ang kanyang katahimikan kahapon sa The Buzz at dito ay sinabi na niya na hiwalay na sila at ayaw na niyang balikan pa si James. “On my part, what I’m comfortable saying is with finality, I can say, ako, sumuko na,” pahayag ng TV host. “Andami kong pinag-isipan kung paano ko maibabahagi sa lahat kung ano ang pinagdaanan namin without revealing anything painful but there is no way of doing that.”
Paliwanag ni Kris, ayaw na niyang ihayag kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay dahil tanging kay Baby James lamang siya dapat magpaliwanag. “Kung anuman ang dahilan why this marriage, on my part, why I’m saying it’s over, the only person I will owe an explanation to and the only person who can demand from me, ‘bakit kayo naghiwalay?’, is my son. And kagabi na-realize ko the worst thing I can do for Baby James is when he’s seven or eight years old (at) mahahanap niya sa Youtube kung bakit naghiwalay ang nanay at tatay niya,” ani Kris. “He deserves much more than that. He deserves to hear it only from me and from James because in any separation there are two sides of the story and we owe it to him.
“I know my son will understand me, will respect me, and will still love me and I feel he will love me more, respect me more, and value me more if I keep quiet today. I know that will leave many unanswered questions but both questions only Baby James deserves to hear the answers to.
“Sana po maintindihan n’yo po ako na ang mga legal na aspeto ng pagsasama namin ni James inuumpisahan nang ayusin lahat ‘yon.”
Sinubukan din daw umano ng kanyang mga kapatid na pagbatiin sila, gaya ng lagi nilang ginagawa sa tuwing nag-aaway silang mag-asawa. “Tinry nila na tulungan kaming ayusin ‘yung mga problema namin. Silang lahat gusto nila sana maayos pa,” sabi ni Kris.
Nilinaw rin ni Kris na pinag-isipan niyang maigi ang desisyon niyang ito. “I just want to say whatever decision I have come to, it’s not a spur of the moment decision. Hindi lang ito nangyari na nagising ako isang araw at sinabi ko ayoko na. Matagal naming sinubukan. James and I really tried to make this work.” At sa gitna ng issue, ang pinakaimportante umano kay Kris ngayon ay ang kanyang mga anak.
Related Links and Articles


