Sarah Geronimo on Judy Ann Santos: 'Napakabuti niyang kaibigan' |
| by Bernie Franco | July 05, 2010 1:03 AM | |
Matapos ang kanyang matagumpay na one-month concert tour sa USA at Canada, balik-Pilipinas na si Sarah Geronimo at punum-puno siya ng magagandang alaala sa kanyang nasabing concerts. “Very happy kami sa naging outcome ng concert tour kasi kahit paano alam naman natin na mahirap ang buhay kahit saang lugar pero pumunta pa rin ‘yung mga kababayan po natin para panoorin kami,” sabi ng Pop Star Princess sa The Buzz kahapon.
Focused naman ngayon ang actress-singer sa kanyang upcoming movie with the young superstar Judy Ann Santos. Very thankful din si Sarah dahil bukod sa pagkakataon na makasama ang bigating artista ay nakatagpo din siya ng bagong kaibigan. “Napaka-swerte ko po na mabigyan ako ng pagkakataon na makatrabaho ang nag-iisang Ms. Judy Ann Santos at especially na makilala ang isang Judy Ann Santos off camera.” Tuwang-tuwa ring ibinahagi ni Sarah na marami silang pagkakatulad ni Judai pagdating sa ugali. “Nagulat ako kasi si Ate Judai superstar pero hindi talaga makikita, napakabait napakasimpleng tao, siguro ‘yun ‘yung similarities namin.” Dagdag pa niya, ang pareho din daw silang loyal pagdating sa tunay na kaibigan at handang ipagtanggol ito anumang oras.
Sobrang thankful din si Sarah kay Judai dahil lubos siyang naiintidihan ng dramatic actress sa kabila ng kanyang mga kakulangan. “Natutuwa ako kay Ate Judai kasi naiintindihan niya ako every time na nagkikita kami di ba sabi niya ka para akong beetle, matagal daw akong mag-warm up, nahihiya din. After mag-bonding kahapon mahihiya na naman kinabukasan. Napakabuti niyang kaibigan. Kahit bago pa lang kaming magkaibigan talagang mararamdaman mo ‘yung sincerity niya at ‘yung pagiging totoo niyang tao. Talagang sasabihin niya talaga kung ano ‘yung nasa loob niya napakamaalaga po sa mga fans niya nakita ko kung paano niya asikasuhin sila,” ani Sarah.
Related Links and Articles


