Good Vibes gets quick following from teens |
| by ABS-CBN Corp. Comm | April 08, 2011 8:11 AM | |
Tinutukan ng kabataang Pilipino ang unang paghataw ng tropa nina Sam Concepcion at Enrique Gil sa “Good Vibes” noong Linggo (Abril 3) sa ABS-CBN.
Ayon sa Kantar Media, naungusan ng pinakabagong youth drama ng Kapamilya network ang mga katapat nitong programa sa rating na 9.7 percent.
Tila nagustuhan ng mga manonood ang tamang timpla ng drama, kilig at astig na dance routines sa “Good Vibes,” na kinata-tampukan ng ilan sa pinaka-promising na young stars sa bansa tulad nina Arron Villaflor, Ivan Dorschner, Yen Santos, Devon Seron, Linn Oeymo, Coleen Garcia, Chikara Nawa, Kazel Konouchi, Heidi Riego, at James Reid.
Umulan din ng papuri sa programa sa mga online forum tulad ng www.pinoyexchange.com. Sabi ni virtualreality, halatang pinaghandaan ang programa dahil sa husay ng mga gumaganap.
“Although some of the cast are newbies and most of them aren't household names yet, still, the kids can deliver! Honestly, I feel good vibes from this show! Has great potential. God bless GV Crew,” aniya.
Sabi naman ni Maricar Corbito sa official facebook account ng “Good Vibes,” “Finally, may teen-oriented show na ‘di lang puro kilig, talagang may talent at may lesson na mapupulot.” Inihalintulad naman ito ng iba sa mga classic na teen drama sa ABS-CBN tulad ng “Gimik” at “Tabing-Ilog.”
Masayang-masaya naman sina Sam at Enrique sa mainit na pagtanggap ng mga manonood. Ani Enrique, na gumaganap bilang Troy, napakasarap na makitang nagbubunga na ang kanilang pinaghirapan. “It feels great because we put a lot of hardwork into it. Everyone did their best for this show -- especially the team behind Good Vibes, who made everything possible.”
Dagdag pa ni Sam, marami pang dapat abangan sa programa lalo’t nagtagpo na ang mga karakter nila ni Enrique, na mag-half brother. “We assure you the show gets better and better and I hope they'll be watching to find out how the story unfolds," paanyaya niya.
Ngayong Linggo (Abril 10), may makikilalang misteryosong babae si Troy sa eskuwelahan matapos siyang i-deny ni Marc (Sam) bilang kapatid. Nangangamba naman mabuwag ang dance troupe nila Marc dahil sa pagkabuntis ng isa sa kanilang miyembro.
Paano kaya nila haharapin ang mga pagsubok na ito? Abangan ngayong Linggo (Abril 10) sa “Good Vibes,” pagkatapos ng “ASAP Rocks”.
Related Link


