Usap-usapan na ang pinakahihintay na highlight ng teleseryeng I Love Betty La Fea - ang wedding ni Armando at Betty. Sa Lunes nga ng gabi ay masasaksihan na ang kasalan na pinagarap ni Betty na tuluyang magpapabago sa takbo ng istorya ng isa sa top-rating na teleseryes ng ABS-CBN. “Grabe nga eh habang sinusukat ko itong gown ko ay kinakabahan ako baka hindi kasya…” excited na shinare ni Bea Alonzo na nakausap ng ABS-CBN.com na in character. “Masayang-masaya ako dahil andito lahat ng kaibigan ko…ito na ata ang pinakamasayang araw sa buhay ko!” dagdag ni Betty. Pinaghandaan ang kasal na ito ng nasabing teleserye, mayroon pang gumanap na wedding planner at espesyal ang kotseng ginamit. Ang motif ng kasal ay Green at Yellow. Kumpleto rin ang cast ng I Love Betty La Fea sa kasal. Ngunit, maraming fans ang nag-rereact at natatakot na baka matapos na raw ang teleserye. Ayon sa production staff ng show, hindi pa raw matatapos ang teleserye ngayong Marso at marami pang kaabang-abang na mangyayari at ikagugulat ng mga manonood. Para sa mga exclusive behind the scene photos ng kasal, check out www.ilovebettylafea.multiply.com