Saturday, March 20, 2010
 Star Cinema and SM settle their issues
by Heidi Anicete | September 05, 2009 2:10 AM | 

Naging kapansin-pansin ang hindi pagpapalabas ng pelikulang pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Sam Milby at Derek Ramsey na And I Love You So sa lahat ng SM Cinemas nitong nakaraang buwan. Noong kasagsagan ng nasabing isyung ito, agad na naglabas ng statement ang Star Cinema, sa pangunguna ng managing director nito na si Malou Santos. Isinasaad di umano ng statement na ito ang pagkakaroon ng Star Cinema ng "collection and computation issues" sa nasabing panoorang tinataya namang pinagmumulan ng pinakamalaking movie ticket sales sa buong Pilipinas, kaya nangyaring naging ganoon ang sitwasyon.

Ngunit kanina, isang flash report ang ipinahayag sa SNN kaugnay naman sa ginanap na meeting nito lamang sa pagitan ng dalawang panig na nasasangkot sa nasabing kontrobersiya. Malugod na ibinahagi ng host na si Boy Abunda ang kapapasok na balitang patungkol sa di umano'y naging pagkakasundo na ng dalawang panig. Bunsod na rin nito, bukas na di umano ulit sa mga sinehan ng SM ang pagpapalabas ng pinakaaabangang latest Star Cinema film na In My Life kung saan magmu-movie comeback ang Star of All Seasons na si Vilma Santos kasama ang anak nitong si Luis Manzano at ang Blockbuster Prince na si John Lloyd Cruz sa darating na September 16.

Related Link and Articles

The ABS-CBN ForumsSend us your feedbackTFCnowWeb


On Maalaala Mo Kaya: Janice de Belen plays a rape victim
A mother of four in the story, Janice de Belen struggles with her traumatic past and her present misfortunes.
On MMK: Vilma Santos breathes life to the Daisy Hernandez story
Rediscover the amazing mother-daughter relationship of Vilma Santos and Maja Salvador in an episode entitled “Regalo”.
ABS-CBN has the top five most watched shows in the country
Agua Bendita, Kung Tayo'y Magkakalayo, TV Patrol World, Habang May Buhay, and Rubi hailed as the five highest rating programs according to TNS Media Research.
See all articles...
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers