Sunday, November 08, 2009
Bea Alonzo sizzles on the cover of ‘The Buzz Magasin’ July
by Bernie Franco | June 19, 2009 8:25 AM | 

Bea Alonzo goes sexy in the July issue of The Buzz Magasin. Nakuhanan ang former I Love Betty la Fea star ng naka-bikini while shooting for her upcoming movie And I Love You So, kung saan makakasama niya sina Derek Ramsay at Sam Milby.

Habang kinukunan ng eksena si Bea na naliligo sa isang beach sa Zambales, hindi na pinalampas ng The Buzz Magasin ang pagkakataon. Ilang shots din na ipinapakitang umaahon sa tubig ang aktres ang nakuhanan na ilalabas sa latest isyu ng nasabing magazine.

Samantala, ang nasabing dramatic movie ang unang beses na pagtatambalan nina Bea at Sam at ito rin ang unang pagkakataon nag-two-piece si Bea. Hopefully ay ipapalabas by August ang And I Love You So ng Star Cinema na bahagi pa rin ng kanilang 16th year celebration.

Hitik na hitik din sa maraming maiinit na balita ang The Buzz Magasin July 2009 isyu, gaya ng exclusive interview kay Katrina Halili na nagsabing wala siyang pagsisisi sa kabila ng pagkakadawit niya sa sex video scandal nila ni Hayden Kho.

Sa ibang storya sa The Buzz, pinatunayan rin ni Angel Locsin na isa pa rin siyang “hot property” dahil patuloy ang pag-imbulog ng kanyang teleseryeng Only You with Sam Milby at Diether Ocampo na first time nagsama-sama. Hinarap din ni John Lloyd Cruz ang matitinding tanong hinggil sa kanyang personal life, gaya na lamang ng pagiging loveless niya after his recent breakup with Liz Uy. Mayroon ding story hinggil kay Luis Manzano na tumatalakay sa pagdududa sa kanyang pagkalalaki at sa kanilang relasyon ng kanyang girlfriend na si Angel Locsin. Nagkaroon din ng pag-amin si Kris Aquino na noong una ay nagkaroon ng mga agam-agam ang ina kung papabayaan siyang mag-artista subalit sa narating ni Kris ay pinatunayan niyang tama ang kanyang piniling landas. Para sa karagdagan pang pinaka-hot at detailed showbiz news, bili na ng kopya ng The Buzz Magasin July 2009 issue.

Related Articles

The ABS-CBN ForumsSend us your feedback


Sarah Geronimo shines in Metro Magazine’s November issue
Metro Magazine reveals why Sarah Geronimo is the next big thing.
Korina Sanchez wears a bridal gown for the first time in Metro Weddings
Korina Sanchez shares details of her much-anticipated wedding to Senator Mar Roxas.
Star Magic Catalogue 2010 now out
Star Magic marks its 17th year with the latest edition of the annual special.
See all articles...
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers