Sa pinakabagong issue ng Foodie Magazine ay tampok ang mag-asawang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo upang magbalik-tanaw sa kanilang pinag-usapang pag-iisang dibdib noong Abril 28. Tinatalakay sa nasabing issue kung paano nagtagumpay sina Judai at Ryan upang panatilihing sikreto ang kanilang pag-iisang dibdib, at ito ay ang paghingi ng tulong sa mga pinakamalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz. At kahit hanggang sa caterer ay siniguradong mapagkakatiwalaan, hindi lamang upang itago ang “secret wedding” kundi masiguradong ang pagkaing ihahanda ay patok sa panlasa ng mga bisita. In Foodie Magazine’s July issue, the chef that the couple approached for their Manila Reception, Chef Jessie Sincioco, also acted as the co-conspirator to keep everything under wraps until the reception took place. Sa nasabing event ay larawan ng happy couple sina Judai at Ryan and the event was even made really special with the sumptuous meals that were prepared by Chef Jessie—from the light appetizer that included cheese straws, potato chips with tzatziki, yogurt, cucumber and garlic to the main course that consisted of tender US Black Angus beef and mushroom roulade with creamy potato gratin and asparagus spears. Kahit si Chef Jessie ay naging saksi sa espesyal na okasyong ito para sa mag-asawa nang inilarawan niyang in-love na in-love at magka-holding hands sa lahat ng oras. Dagdag pa niya sa kanilang mga mata ay makikita ang respeto sa isa’t isa at ang pag-ibig, na siyang larawan ng isang happy couple.Related Articles and Links