Sunday, November 22, 2009
Jackie Rice is 'single and sexy'
by MJ Felipe | July 04, 2009 9:09 PM | 

Ang StarStruck graduate na si Jackie Rice ang cover girl ng Maxim Magazine para sa buwan ng July. Napakasexy ni Jackie sa kanyang one-piece backless swimsuit at sa aming interview sa kanya binanggit nito na nung malaman daw niyang siya ang magiging July cover ay nagulat siya.

Nagulat ako, pero kasi matagal ko na itong pinag-iisipan at anniversary issue pa siya kaya na-excite ako. Hindi ako kumain. Totoo pala yun, yung hindi kumakain para sa isang sexy shoot. Yun!” kuwento ni Jackie sa amin.

Sa naturang issue, nabanggit sa article na all-out daw si Jackie, lalo na pag pag-ibig na ang pinag-uusapan. Pero dinenay naman nito na naging all-out siya kay Biboy Ramirez nang maging sila last year. “Naku wala na yun, ang tagal na nun. Saka hindi naman niya hiningi sa akin na i-give up ko lahat e,” paliwanag ni Jackie at dinagdag pa nito na “single and sexy” daw siya ngayon.

Wala pa naman daw nagpaparamdam sa kanya at sa ngayon ay focused na muna siya sa kanyang trabaho. Wala din daw siyang balak na talikuran ang kanyang wholesome image at ang pagpapasexy niya ay pagpapakita lamang ng kanyang “other” side. “Gusto ko kasing ma-try lahat kaya ako pumayag magpose for Maxim!”

Love daw ni Jackie ang SNN dahil mahilig daw ito sa tsismis, kaya naman tsinismisan namin siya sa kumakalat na balitang binubugaw daw siya ng nanay niya for 50k. “Naku, hindi naman totoo yan. Nanay ko yun, bakit niya gagawin yun sa akin. After niya akong palakihin gaganuhin niya lang ako? Hindi naman yata totoo yan,” depensa ng young actress. Baka namimisinterpret lang daw ng ibang tao na baka offered projects pa lang daw naman ang mga iyon at hindi kung ano-anong masamang iniisip ng iba.

Available na ang Maxim July issue featuring Jackie Rice sa inyong mga favorite newsstands, kaya get na kayo ha!

The ABS-CBN ForumsSend us your feedback


Sarah Geronimo shines in Metro Magazine’s November issue
Metro Magazine reveals why Sarah Geronimo is the next big thing.
Korina Sanchez wears a bridal gown for the first time in Metro Weddings
Korina Sanchez shares details of her much-anticipated wedding to Senator Mar Roxas.
Star Magic Catalogue 2010 now out
Star Magic marks its 17th year with the latest edition of the annual special.
See all articles...
 
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers