Monday, May 21, 2012
Krista Ranillo: innocent or guilty?
by Bernie Franco | December 22, 2009 8:38 AM | 

Patuloy pa ring pinag-uusapan ang isyu ng pagkaka-link ng sexy star na si Krista Ranillo sa boxing champ na si Manny Pacquiao. Wala namang dudang isa sa hottest showbiz items ngayon ang nasabing isyu lalo pa’t ayaw magsalita ni Krista sa diumano’y pagkakaroon nila ni Manny ng affair. Para sa January 2010 issue ng The Buzz Magasin, cover story ang kontrobersyal na isyu na tinuring “kasinlakas ng mga balita gaya ng Maguindanao massacre at ng pagdedeklara sa lugar ng Martial Law.”

Tinutukan ng The Buzz Magasin ang mga pinagdaanan ni Krista sa showbiz, mula sa kanyang pamilyang mga beterano na sa industriya at ang kanyang pagsimula sa showbiz. Iniwanan niya ang limelight para tutukan ang kayang pag-aaral at bumalik siya sa showbiz na may mas sexy ng image.

Tinalakay din sa nasabing isyu kung bakit sa lahat ng mga na-link kay Manny na mga sexy actresses ay si Krista ang sobrang gumawa ng ingay. Kabilang sa mga sinasabing dahilan kung bakit nakaakit ng atensyon si Krista ay dahil sa kanyang magandang educational background at pagiging “fresh” TV celebrity.

Masusi ring tinalakay sa The Buzz Magasin ang pinag-ugatan ng nasabing kontrobersya at ang iba’t-ibang opinyon sa nasabing isyu: may katotohanan ba ang ibinibintang kay Krista na isa siyang “other woman” o biktima lamang siya ng mga akusasyon na kahit sa pananahimik ay nahuhusgahan na?

Hindi man nagsalita sa Krista ay to the rescue naman ang kanyang mga mahal sa buhay, ang ama at dating matinee idol na si Matt Ranillo III at ang kanyang lola, ang veteran actress at queen of Visayan movies na si Gloria Sevilla.

Bukod pa rito, loaded rin sa maraming current controversies ang issue ng The Buzz Magasin, kabilang ang makulit ang sumisikat na love team nina Melai at Jason ng Pinoy Big Brother Double Up edition at mga blind item na siguradong kikiliti sa inyong imahinasyon.

Related Articles

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedback


'Chalk' goes to Hong Kong with Enchong Dee
Enchong is the May issue's hot summer cover boy.
Kapamilya stars take part in 'Metrowear Rocks the Runway'
Metro magazine takes to the fashion stage anew with the latest installment of its much anticipated fashion series, Metrowear Rocks The Runway on May 2.
Piolo Pascual graces the cover of Metro Society
Metro Society ushers in its enticing entertainment issue with the country's ultimate actor on the cover.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers