Monday, May 21, 2012
Paris Hilton had her picture taken with Charice Pempengco
by Bernie Franco | March 05, 2009 2:46 PM | 

Rubbing elbows with the Hollywood stars na ang pride ng ating bansa na si Charice Pempengco nang ibinalita sa Showbiz News Ngayon kamakailan na marami siyang nakilalang mga international celebrities during a post Oscar Awards party na pinangunahan umano ni Oprah Winfrey. Naimbitihan si Charice at nakilala niya ang mga pangunahing bida ng Oscars Best Picture Slumdog Millionaire, Best Actress Kate Winslet, Best Actor Sean Penn at iba pang nanalo sa Oscars.

Isa rin sa mga hindi malilimutang experience umano si Charice during the event ay nang lumapit ang controversial heiress na si Paris Hilton sa Pinay singer para sa isang photo opportunity. “After the Oscar party lumapit lang sa akin ‘yung PA (personal assistant) ni Paris sabi niya, ‘Did you meet Paris?’ Sabi ko, ‘Not yet.’ Pagtingin ko nandun si Paris. Napanood na pala niya ako sa Oprah at sa isang event. Nagpa-picture siya sa akin. Tapos cute na cute siya akin. Gusto niya akong iuwi para daw akong key chain,” masayang pagbabahagi ng batang singer.

Malaking bagay umano para sa kanya na lapitan siya ng kilalang Hollywood figure na kontrobersyal man ay naging mabait ang pakikitungo sa kanya. Nakilala rin ni Charice ang kinababaliwan ngayon ng mga kabataan, ang Jonas Brothers. “Ayokong ipakita na nababaliw ako sa kanila. Sila ‘yung unang nagpakilala,” kuwento ni Charice. “Pinakamabait sa kanila for me ‘yung youngest, si Nick.  Lumapit siya sa akin, talagang super gentleman siya. Inabot niya agad ‘yung kamay niya sa akin sabi niya, ‘Hi, I’m Nick.’ Sabi ko, ‘I’m Charice.”

Subalit higit sa lahat, na-starstruck umano ang dalagita nang mahawakan niya ang isang Oscar statue at makapagpa-picture kasama ito.  
Related Article

  • Charice Pempengco to sing at Oscars after party
  • Charice Pempengco is set to launch an international singing career in 2009
  • The ABS-CBN ForumsSend us your feedback


    Nikki, inagawan ni Empress sa 'Mundo Man ay Magunaw'
    May namumuong love triangle ngayon sa pagitan nina Empress, Nikki Gil, at Ejay Falcon.
    AIAI Delas Alas mourns for the baby she was supposed to adopt
    The Concert Comedy Queen shares that she was supposed to adopt a new born baby girl.
    TV Patrol still the leading newscast in the country
    ABS-CBN wins in the national, Mega and Metro TV ratings for the whole month of June.
    See all articles...

    © 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers