‘Lovers in Paris’ starts tonight on primetime bida |
| by Bernie Franco | September 28, 2009 12:25 PM | |
Tuloy na tuloy ang premiere episode ng Filipino adaptation ng Lovers In Paris (LIP) ngayong gabi pagkatapos ng May Bukas Pa. Pinapangunahan ni Piolo Pascual, KC Concepcion at Zanjoe Marudo, sinabi ng anak ng Megastar na umaasa siyang sana kahit paano ay magdulot ng kasiyahan ang kanilang teleserye sa mga tao sa kabila ng naidulot ng bagyong Ondoy. “Isa ito sa mga relief goods namin, sana maging isa siya sa mga bagay na makakapagpasaya sa mga tao sa gitna ng lahat,” sambit ni KC.
On a personal level, excited si KC sa paglabas ng kanyang first-ever teleserye subalit inamin niyang ninenerbyos silang lahat sa LIP. Sinimulan kasi nilang gawin ang teleserye noong Pebrero ng kasalukuyang taon at finally ay maipapalabas na ito. Ayon pa kay KC, may mga buwan na hihinto ang taping dahil sa mga commitments ng mga cast at tuluy-tuloy naman kapag nagsimula ulit.
Blessing naman ito kay Zanjoe na hindi nawalan ng mga proyekto. Sinabi ng actor-model na hindi naman siya na-OP (out of place) kina Piolo at KC sa paggawa ng teleserye. Sinabi niya na sa simula pa lang ay hindi na siya nailang dahil maayos na ang pakikisama ng dalawa niyang co-star.
Naging very memorable din ito kay Zanjoe na unang pagkakataong makarating ng Paris, France at namangha talaga siya sa lugar. “Lahat ng pinuntahan namin talagang maganda ‘yung lugar. Nagti-taping kami dun tapos nilibot kami ni KC kung sa’n ‘yung magagandang lugar,” kuwento ni Zanjoe. Matagal rin kasing nanirahan si KC sa France dahil dito siya nag-aral ng kolehiyo.
Umiwas naman si Piolo nang tuksuhin siya ng The Buzz hosts na pag-usapan ang tungkol sa kontrobersyal na one-year supply of perfume umano niya kay KC.
Magsisimula bukas sa primetime bida, ang Lovers In Paris ay sa ilalim ng direksyon ni Direk FM Reyes at batay sa matagumpay na Koreanovela ng may parehong pamagat. Kasama rin dito sina Christopher de Leon, Maricar Reyes, Assunta de Rossi, Rachelle Anne Wolfe at marami pang iba.
Related Articles
Piolo Pascual admits he courted KC Concepcion Piolo Pascual admits he's nervous about doing 'Lovers in Paris'