| | |
Walang Hanggan Weekdays I 09:10 PM
| |
|  |
|
|
|  | MARCO MONTENEGRO - Richard Gomez Siya ang only son ng hacienderong sina Joseph at Margaret Bonifacio, kaya inaasahang maging mahusay sa family business. Confident at assertive, at mataas ang tingin sa sarili dahil alam niyang may ipagmamalaki siya. Mayroon siyang angking talent sa pagpili ng masarap na wine. |  | EMILY CARDENAS - Dawn Zulueta Anak siya ng isang trabahador sa hacienda. Mabait at mapagmahal na anak at pinipilit na intindihin at tanggapin ang amang nalulong sa alak mula nang mabiyudo ito. Kahit salat sa yaman, masipag at may pangarap na matapos sa pag-aaral para maiangat ang buhay nilang mag-ama. |  | VIRGINIA CRUZ - Susan Roces Panganay at ulila kaya siya na ang tumayong nanay at tatay sa kapatid na si margaret. Hindi na siya nakapag-aral at nagtrabaho na lang para mapaaral ang kapatid. Generous, self-sacrificing at benevolent na ate kaya handa siyang ibigay ang lahat para sa kapatid, kahit isakripisyo ang sariling kaligayahan - ang kanyang one great love na pinaubaya nya kay Margaret. |  | MARGARET CRUZ MONTENEGRO - Helen Gamboa Lumaki sila sa hirap ng kanyang pamilya kaya naging mataas ang ambisyon at pangarap na maging mayaman. Madiskarte, matalino at masipag, kaya siya ang magpapalago ng hacienda ng asawa. Isa siyang perfectionist at gusto niya maayos lahat sa paligid nya at kontrolado niya. |  | JANE BONIFACIO MONTENEGRO - Rita Avila
Nag-iisang anak ng may ari ng banko kaya siya ang magiging manager nito. Well educated at matalino pero nang ma inlove kay Marco, ibibigay niya lahat dito. Matiisin at mabait, alam niyang maraming babae si marco pero sa tuwing lumalapit sa kanya si Marco, handa naman siyang tanggapin ito ulit. |  | JOHANNA MONTENEGRO - Melissa Ricks
Panganay na anak nina Marco at Jane pero mas malapit siya sa lola margaret niya kesa sa mommy niyang si Jane. Idol niya kasi si margaret. Bilib siya sa galing nito sa negosyo. Kikay, maarte at sophisticated at dahil lumaki sa ibang bansa, naging liberated, spoiled brat at bossy. |  | NATHANIEL MONTENEGRO - Paulo Avelino
Siya ang bunsong anak nina Marco at Jane. Masunurin at mabait na anak at apo. Polished, refined at metrosexual. Bata pa lang sila, magiging magaan na ang loob niya kay Katerina. He feels Katerina needs a knight in shining amor at gusto niya siya maging tagapagligtas ni katerina dahil kapag kasama niya si katerina, feeling niya, he is needed and wanted. Magalang sya at very gentlemanly pero may tinatago pala itong temper na kapag lumabas, ay sobra sobra naman at walang makaka-control nito. |  | TOMAS ALCANTARA - Joem Bascon
Siya ang panganay na anak ni William. Mayabang, abrasive at rebellious. Domineering and demanding, lalo na sa bunsong kapatid na si Katerina malapit sa ina nung bata lang ito pero nang pinanganak si katerina, namatay ang ina. Sinisisi niya ang bunsong kapatid sa pagkawala ng kayang ina. Risk-taker. Mahilig sa sugal at magaling dumiskarte. |  | KATERINA ALCANTARA - Julia Montes
Lumaki si katerina believing na siya ay isang prinsesa at balang araw ay dadating ang kanyang prinsipe. Isa siyang hopeless romantic at naniniwala sa konsepto ng fairy tale at happy ending. Malambing at affectionate, at dahil bunso at only girl, spoiled at sanay na inaamo/sinusuyo. Naranasan niya ang mabuhay ng marangya kaya medyo mahihirapan siya kapag unti-unti na nalulugi ang negosyo nila. |  | DANIEL - Coco Martin
Wala nang magulang at buong buhay niya, kasama lang niya ang kanyang lola Virginia umampon sa kanya mula pa nung sanggol siya. Lumaki sya sa kalye kaya naging palaban, madiskarte at matapang. Pero busog sa pangaral ng lola kaya lumaking tapat, maprinsipyo at may paninindigan. Maginoo pero medyo bastos pero kahit na bargas man siya kumilos, magalang pa rin sa mga babae. Kapag nagmahal siya, sobra sobra niyang mamahalin ang babae, higit pa sa sarili niyang buhay. |
|
| |
|
| | | Come & spend JUAN FUN DAY with Coco Martin & the rest of the Juan Dela Cruz cast on May 19!
|
| | May pag-asa na nga bang magkaayos muli sina Celyn at Margaux? Join ka na sa usapan! HERE>>>
|
| | Alamin ang mga latest updates ng Kapamilya Network, follow us on Twitter! |
| | Kung magiging “mag-on” si Sir Chief at Maya, ano ang gusto mong maging term of endearment o tawagan nila sa isa’t isa? Vote na! |
|
|
| | |
| |
|
|