Tuesday, May 21, 2013
  Krusada
  Thursdays I 11:50 PM
Episode IJanuary 20, 2011
Dyan Castillejo, Itutuloy Ang Laban Ng Mga Nalugmok Na Pinoy Olympians
Sa katunayan, karamihan sa medalyang napanalunan ng Pilipinas sa Olympics ay nakamit ng mga boksingero. Binalikan ni ABS-CBN sports correspondent Dyan Castillejo ang dalawa sa magigiting na Pinoy Olympians, ang mga boksingerong si Anthony Villanueva at Leopoldo Serrantes. Naabot nila ang tugatog ng tagumpay nang magwagi sila sa Olympics noon. Ngunit ngayon, matapos ma-stroke si Anthony at tinamaan naman ng malubhang pulmonary disease si Leopoldo, tila ay nalipasan na sila ng panahon at nabaon sa limot. Bilang isang atleta, krusada ni Dyan na magbigay kaalaman sa mga active at retired athletes ng mga financial at medical benefits na nakalaan para sa kanila. Bukod pa rito, hangad din niya na maisulong ang mas mainam at mas malaking benepisyo para sa ating mga atleta na nagbibigay ng karangalan sa ating bansa. Samahan si Dyan Castillejo sa pangungumusta sa kanila at sa pag-aaral kung paano sila matutulungan ng batas tulad ng Sports Benefits and Incentives of 2001. Makinig, makisama at makiisa sa kaniyang laban sa “Krusada” sa darating na Huwebes (Jan 20), pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN.
Back

Come & spend JUAN FUN DAY with Coco Martin & the rest of the Juan Dela Cruz cast on May 19!

May pag-asa na nga bang magkaayos muli sina Celyn at Margaux? Join ka na sa usapan! HERE>>>

Alamin ang mga latest updates ng Kapamilya Network, follow us on Twitter!

Kung magiging “mag-on” si Sir Chief at Maya, ano ang gusto mong maging term of endearment o tawagan nila sa isa’t isa?  Vote na!

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers