Thursday, June 20, 2013
  Patrol ng Pilipino
  Tuesdays I 11 : 45 PM
Episode 17IMarch 08, 2011
"KASARIAN: HINDI TIYAK" at "AYOKO NG PLASTIK!"
Sa librong kalalabas lang ng Catholic Bishop's Conference of the Philippines o CBCP na "Homosexuality and The Catholic Church", naging mainit na namang paksa ang "Third Sex". Hindi man hinuhusgahan ng simbahan ang pagiging "bakla" o "tomboy" ng isang tao, kinokondena naman nito ang homosexual acts tulad ng same sex marriage. Sabi pa ng simbahan, mabuti raw na lumantad na sila para sa ikakagaan ng kanilang konsiyensya. Habang may mga grupong tulad ng "Ang Ladlad" na nagsusulong ng karapatan ng mga third sex sa bansa, hindi pa rin ganap na maibigay ang pagkilalang gusto nila…dahil sa isang lipunang hindi naman liberal at may malakas na impluwensya ng simbahan, isa pa rin itong paksang hindi masyadong napag-uusapan. Pero para sa mga lantad na homosexuals, kung hindi raw sila tanggap ng lipunan sa tema nila ng pagpapakasal, intindihan na lamang daw sila sa kanilang piniling "kasarian". Abangan sa pagpapatrol ni Ryan Chua…. Dito daw sa pilipinas, parang sampu-sampera ang plastic.. Kahit ano ata ang bilhin natin; sa palengke, shopping mall o kahit saang tindahan, palaging naka-plastic bag...kaya sa tuwing dadating ang tag-ulan, palagi rin tayong sinisingil ng mga plastic na ito. Eye opener sa lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ang nangyari sa kanilang lungsod ng ilubog sila ni Ondoy sa baha noon kaya sigaw ng kanilang alkalde "tama na, tigilan na! Ayaw na raw niya sa plastic!". May mga natuwa sa ordinansya ni Mayor na ipagbawal ang paggamit ng plastic bags na inumpisahan niya noong Enero pero marami rin ang nadismaya. Paano raw naman ang kabuhayan ng iba na nakadepende sa plastic? Samahan si Gretchen Malalad sa kwentong walang plastikan... Patrol ng Pilipino, Martes ng gabi pagkatapos ng Bandila.
Back

Abangan ang Juan Fun Day on June 22 sa Pampanga!

Pag-usapan natin ang pagsisimula ng Huwag Ka Lang Mawawala  HERE>>>

Alamin ang mga latest updates ng Kapamilya Network, follow us on Twitter!

Anong talent sa palagay niyo ang idedevelop ng master choreographer na si Teacher Georcelle sa bagong Kapamilya show na Promil Pre-School i-Shine Talent Camp 2?    Vote na!

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers