|
Handog ng DZMM sa mga Buntis
Extended ang selebrasyon ng Mother’s Day dahil sa handog
ng DZMM Radyo Patrol 630 na isang libreng nationwide seminar
para sa mga malapit nang maging ina, ang Buntis Congress,
na nasa ikatlong taon na ngayon!
Sa May 29 na ang event na may pamagat na “Buntis Is
It!,” at gaganapin sa SM Cinemas at lobby sa iba’t-ibang
sulok ng bansa: sa Manila, Baguio, Cebu, Davao, Iloilo at
Cagayan de Oro.
Sa tulong ng ABS-CBN’s Regional Network Group (RNG),
Philippine OB-Gyn Society and Maternal at ng Child Nursing
of the Philippines (MCNAP), libo-libong kababaihan ang mabibigyan
ng iba’t-ibang kaalaman tungkol sa safe motherhood at
maternal care. Bukas rin ang programa sa mga mag-asawa. Nagsimula
na ang registration sa DZMM Public Service Center, ABS-CBN
complex, Quezon City, at sa ABS-CBN regional stations.
Isa lang ang “Buntis Congress” sa napakaraming
libreng service-oriented projects ng DZMM, gaya ng monthly
medical mission “Oplan MM,” livelihood seminar
“Caravan Kaalaman,” nationwide mass christening
na “Binyagang Bayan,” at ng sariling fire brigade
ng istasyon. Patuloy ang Metro Manila’s number one station
(base sa latest AC Nielsen survey) sa paglilingkod sa publiko,
dahil ayon nga sa slogan nito, ang DZMM ay “una sa balita,
una sa public service.”
Click here
to watch Kapamilya shows.
Click here for information
on our TV shows.
|