Monday, September 06, 2010
 Dave Garcia babaguhin ang lahat sa Tayong Dalawa
by Napoleon Quintos | March 21, 2009 12:22 AM | 

Ilang buwan na ang nakalipas nang sa kasamang palad ay namatay si Dave Garcia isang madugong labanan.  Ang kanyang kapatid na si JR (Gerald Anderson) at ang dating kasintahan na si Audrey (Kim Chiu) ay parehong sinisisi ang kanilang mga sarili sa trahedya.  Ngunit sa gitna ng kanilang kalungkutan ay makakahanap sila ng kalinga sa bawat isa.  Dito uusbong ang isang pag-ibig na matanggal nang itinatanggi.  Kailan aaminin ni Audrey ang inililihim na pagtingin kay JR?  Ano ang magiging mas matimbang kay JR, ang kanyang pangako kay Dave, o ang nararamdaman niya para kay Audrey?

Ang ina ni Dave na si Ingrid (Agot Isidro), matapos ang matagal na pagluluksa, ngayon ay ibubunton ang kanyang galit kay JR at sa kanyang ina na si Marlene (Cherry Pie Picache).  Nakuha na ni JR ang kanyang karapatan sa mana na naiwan ng kanyang ama.  Pero hindi papayag si Ingrid na pati ang kayamang kanyang pinaghirapan ay maagaw pa ng iba.  Sa tulong ng kanyang ina na si Elizabeth (Helen Gamboa) ay isasagawa ni Ingrid ang kanyang paghihiganti laban kay JR at sa buo nitong pamilya.

Ang lahat ng ito ay nakatakdang magbago sa paglitaw ni Dave.  Hindi alam ng lahat na siya ay nakaligtas mula sa bingit ng kamatayan.  Paano tatanggapin ng lahat ang kanyang nalalapit na pagbabalik?  Ano ang matutuklasan ni Dave na muling susubok sa kanyang pagkatao?

Abangan ang mga tumitinding tagpo sa Tayong Dalawa sa Primetime Bida pagkatapos ng I Love Betty La Fea.


ABS-CBN Primetime Bida programs dominate national ratings
Kapamilya shows continue to top national ratings.
On Maalaala Mo Kaya: Janice de Belen plays a rape victim
A mother of four in the story, Janice de Belen struggles with her traumatic past and her present misfortunes.
On MMK: Vilma Santos breathes life to the Daisy Hernandez story
Rediscover the amazing mother-daughter relationship of Vilma Santos and Maja Salvador in an episode entitled “Regalo”.
See all articles...
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers