Wednesday, May 23, 2012
 ‘Boys Over Flowers’ nearing finale
by Bernie Franco | August 20, 2009 7:57 AM | 

Huling linggo na ng Koreanovelang Boys Over Flowers na nagpakilig at nagpa-ibig sa atin sa mga bidang sina Goo Jun Pyo, Geum Jan Di, Yoon Ji Hoo, Kim Joon, at Kim So Eun. Mula nang ipalabas ito sa Kapamilya network noong Mayo, consistent itong naging isa sa top-rating programs sa primetime block.

Samantala, kahit na magtatapos ang BOF ngayong Biyernes, Agosto 21, mayroon namang BOF TV special next week, mula Agosto 24-28 na magpapakita ng behind-the-scenes ng nasabing teleserye. Mapapanood dito ang mga bloopers at mga interviews sa mga pangunahing bida ng serye at kung paano ginawa ang series.

Samantala, dahil na rin sa pagiging phenomenal hit ng BOF sa buong Asya, maglalabas sa Korea at Japan ng Boys Over Flowers photo book na naglalaman ng mga glamor shots ng mga bidang bumubuo ng F4 na sina Lee Min Ho, Kin Hyun Joong, Kim Bum at Kim Joon. Ang nasabing photo book ay tatawaging Story of Four Flowers na may 168 pahina. Ngayon pa lamang ay marami na ang nag-aabang sa nasabing photo book at marami na ang tumawag para sa pre-orders sa Japan at Korea. May pagkakataon din ang mga bibili ng photo book na makita nang personal ang F4 members. Kalakip ng photo book ay DVD na naglalaman ng mga private movie clips ng apat na bida.

The ABS-CBN ForumsSend us your feedback


ABS-CBN Primetime Bida programs dominate national ratings
Kapamilya shows continue to top national ratings.
On Maalaala Mo Kaya: Janice de Belen plays a rape victim
A mother of four in the story, Janice de Belen struggles with her traumatic past and her present misfortunes.
On MMK: Vilma Santos breathes life to the Daisy Hernandez story
Rediscover the amazing mother-daughter relationship of Vilma Santos and Maja Salvador in an episode entitled “Regalo”.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers