News Releases

English | Tagalog

Pasabog na production number ng P-Pop girl group sensation BINI, mapapanood sa "ASAP Natin To" ngayong Linggo

April 12, 2024 AT 02:47 PM

Regine Velasquez, Kim Chiu, maghahatid ng back-to-back birthday treats ngayong weekend

 

Bonggang all-out production number ang naghihintay para sa Blooms sa bawat sulok ng mundo dahil magpapakitang gilas ang Nation’s Girl Group BINI sa pag-awit ng kanilang viral hit song na “Pantropiko,” kasama ang ilang Kapamilya artists, ngayong Linggo (Abril 14) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Patuloy ang excitement kasama sina Regine Velasquez at Kim Chiu na dala ang pasabog na performances para sa kanilang pagdiriwang ng kaarawan sa “ASAP” stage.

Humanda para sa isang musical feast kasama ang Kapamilya artists na sina Gary Valenciano, Regine Velasquez, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Vina Morales, Darren Espanto, Janella Salvador, Yeng Constantino, Jona, Jolina Magdangal, Klarisse De Guzman, Kyle Echarri, Jeremy Glinoga, Jason Dy, Bituin Escalante, Frenchie Dy, Sheryn Regis, at Nyoy Volante na maghahatid ng nakamamanghang concert performance ng mga international rock hits. Patuloy ang bonggang performance kasama si Janella para sa isang jazzy number ng "My Prerogative" ni Britney Spears.

Saksihan ang kamangha-manghang all-star dance performance kasama sina Joshua Garcia, AC Bonifacio, Alexa Ilacad, Maymay, Darren, Jameson Blake, Gela Atayde, Joao Constancia, Jeremy G, Kyle Echarri, Race Matias, at Ken San Jose. Subaybayan rin ang isang epic dance battle kasama sina Vina, Jacki Gonzaga, at Chie Filomeno.

Bibigyang pugay naman ng “ASAP” ang OPM singer at songwriter na si Hajji Alejandro kasama sina Gary, Regine, Zsa Zsa, Ogie, Martin, at Erik na naghahatid ng mga nakakapanindig-balahibong performance ng mga hit songs ni Hajji. Sasamahan rin ni Rachel Alejandro ang kanyang ama na aawit ng “Kay Ganda Ng Ating Musika.”

Abangan rin ang sa isang powerful vocal performance kasama ang mga singing champions na sina Jona, Jed, Yeng, Jason, Klarisse, Frenchie, Sheryn, Lyka Estrella, Marielle Montellano, JM Yosures, JM Dela Cerna, Khimo, at Reiven Umali.

Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE