News Releases

English | Tagalog

“TV Patrol” mapapanood na sa ALLTV simula ngayong Abril 15

April 13, 2024 AT 08:05 PM

Panibagong milestone sa paghahatid ng balita at impormasyon ang naisagawa ng “TV Patrol” dahil mapapanood na rin gabi-gabi ang pinakamatagal na Philippine primetime newscast sa ALLTV simula 15 Abril 2024 (Lunes).
 
Eere ang “TV Patrol,” na pinangungunahan nina Kabayan Noli de Castro, Karen Davila, Bernadette Sembrano, at Henry Omaga-Diaz, mula Lunes hanggang Biyernes tuwing 6:30 pm. Matutunghayan din ang "TV Patrol Weekend" kasama sina Alvin Elchico at Zen Hernandez sa ALLTV tuwing Sabado at Linggo, 5:30 pm.
 
Isa ang ALLTV sa panibagong platforms na maghahatid ng “TV Patrol” sa free TV, cable at satellite TV. Patuloy pa ring mapapanood ang “TV Patrol” sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, ABS-CBN News YouTube channel, ANC, Teleradyo Serbisyo, at DWPM sa AM radio.
 
Nagpapasalamat din kami sa publiko sa kanilang patuloy na pagmamahal at suporta. Maraming salamat, mga Kapamilya.