News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN stars, hinarana ang viewers sa bagong Kapamilya Channel station ID

April 22, 2024 AT 04:05 PM

ABS-CBN stars sing their hearts out in new Kapamilya Channel station ID

“Forever, Kapamilya!” This is the chant of several ABS-CBN stars featured in the newest station ID of Kapamilya Channel that has already amassed over 500,000 views on Facebook.

Panoorin ang lahat ng Kapamilya shows sa Kapamilya Channel
 

“Forever, Kapamilya!”

Ito ang chant ng ilang ABS-CBN stars na tampok sa pinakabagong station ID ng Kapamilya Channel na nakakuha na ng mahigit 500,000 views sa Facebook.

Sa video, taos-puso ang pag-awit ng mga bida ng “FPJ's Batang Quiapo,” “Linlang: The Teleserye Version,” at “Can't Buy Me Love” sa mga viewer upang ipadama sa kanila na lagi silang kasama at karamay ng bawat Kapamilya.

Nagpakitang-gilas din ang mga host ng “It's Showtime,” “ASAP Natin 'To,” “I Can See Your Voice,” “Magandang Buhay,” gayundin ang mga coach ng “The Voice Teens” sa bagong station ID na nagsisilbing paraan nila upang mapasalamatan ang mga manonood na patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanila.

Maging ang mga host ng upcoming season ng “Pinoy Big Brother” at ang mga news anchor ng “TV Patrol” ay napabilang din sa Kapamilya Channel station ID.

Kayo ang aming forever, Kapamilya. Samahan kami araw-araw sa paglikha ng mas maraming masasayang alaala at magagandang kuwento sa pamamagitan ng pagsubaybay sa lahat ng programa ng ABS-CBN sa Kapamilya Channel na available sa mahigit 300 cable providers sa buong bansa.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.