News Releases

English | Tagalog

Angeline, naglabas ng wedding song na "Salamat Ika'y Dumating"

April 25, 2024 AT 04:45 PM

Kasabay ng wedding day nila ni Nonrev

Isang sorpresang awitin ang inilabas ni Angeline Quinto na pinamagatang “Salamat Ika’y Dumating” para sa kanilang kasal ni Nonrev Daquina ngayong araw (Abril 25) sa Quiapo Church.  

Si Angeline mismo ang sumulat ng wedding song kasama si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo na siya ring nagprodyus ng kanta sa ilalim ng Star Music.  

Tulad ng titulo nito, tungkol ang love song sa pagpapasalamat ni Angeline sa pagdating ni Nonrev sa buhay niya. 

Inawit ang kanta ng Philippine Madrigal Singers para sa espesyal na wedding march nina Angeline at Nonrev.  

Ito na ang inaabangang comeback single ni Angeline na sinundan ang kanyang bersyon ng “Pagbigyang Muli” para sa seryeng “Linlang” at “Piliin Mo Ang Pilipinas” para sa “Drag You & Me” na nilabas noong nakaraang taon. Naglabas naman siya ng awiting “Nag-iisa Lang” para sa kanilang anak ni Nonrev na si Sylvio taong 2022. 

Kasalukuyang napapanood si Angeline sa papel ni Sarah Angeles sa teleseryeng “What’s Wrong With Secretary Kim?”  

Para sa karagdagang detalye sa musika ni Angeline,  sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.


 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE