Matteo Guidicelli, inaya si Daniel Padilla na maging Army reservist

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Matteo Guidicelli, inaya si Daniel Padilla na maging Army reservist

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 05, 2019 01:04 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Inamin ni Army reservist P2Lt. Matteo Guidicelli na inaya niya ang aktor na si Daniel Padilla para maging bahagi ng army reserve force.

Kaharap ang ina ni Daniel na si Karla Estrada, muling inanyayahan ni Matteo ang tinaguriang "King of Hearts" ng showbiz sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes.

"So bakit tinawagan mo si Daniel? Gusto mong isama ang anak ko diyan?" tanong ni Karla kay Matteo matapos ibahagi ng huli ang pinagdaanan niya sa training bilang scout ranger.

"Oo nga, tinawagan ko si Daniel Padilla, Tita. Tinext ko siya, [sabi ko] 'Dan, DJ, I'm inviting you to join the Army Reserve Force,'" sagot ni Matteo.

"Not just you, but lahat ng mga kapwa-artista kong babae o lalaki, man. I'm inviting you to join the Army Reserve. It's not for us, but it's for our country, kumbaga," dagdag ng aktor.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Matteo, hindi pa siya nakakatanggap ng sagot mula kay Daniel.

"Hindi pa nga eh. Busy pa siya yata," aniya.

Samantala, hinamon din ni Matteo si Daniel na gawin ang tusok-ulo o ang traditional ranger's vow.

"Actually ang tusok-ulo, it's known to be a ranger's vow. Kapag malas kami, kapag may kasalanan kami -- halimbawa late sa formation -- our ranger instructor will say, 'tusok-ulo kayong lahat,'" paliwanag niya.

"O DJ, Daniel Padila, tusok-ulo tayo ha, tusok-ulo challenge. Ide-dedicate natin 'yan sa mga ranger. Kumbaga bigyan natin ng appreciation ba."

Sagot naman ng ina ni Daniel na si Karla: "Naku lagot anak, hinahamon ka."

Dagdag niya: "At saka ang training na ginawa ng mga ranger ay hindi ganun kadali, kaya deserve talaga nila na pakitaan natin ng appreciation."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.