Bakit may mga taong nagiging mainitin ang ulo kapag naipit sa trapiko?

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bakit may mga taong nagiging mainitin ang ulo kapag naipit sa trapiko?

ABS-CBN News

Clipboard

May mga pagkakataong umiinit ang ulo ng isang tao kapag naipit siya sa mabigat na daloy ng trapiko, na nagiging delikado kapag ibinuntong niya sa iba.

Ayon sa psychiatrist na si Joan Rifareal, isa sa mga salik kung bakit nagkakaroon ng "road rage" o agresibong pag-uugali ang isang tao ay dahil sa personalidad nito.

May mga tao kasi umanong mabilis magalit kapag naaantala ang mga plano o iskedyul dahil sa mabagal na trapiko.

"Kung 'yong driver is very, halimbawa, madaling uminit ulo [or] very perfectionistic,' paliwanag ni Rifareal.

ADVERTISEMENT

"'Yong dapat sa kanila ayos ang [schedule] nila tapos hindi puwedeng lumihis doon sa plan nila. Kaunting delay lang, nagiging iritable sila," aniya.

Ayon sa doktora, nakadepende na lang sa pananaw ng tao sa trapiko para maiwasang uminit ang ulo.

"Puwede naman na ang perception natin sa traffic is, 'Sige lang, habang nata-traffic ako, mayroon ako mga puwedeng gawin while stuck,'" ani Rifareal.

"'Yong iba mas naiinis sila kasi very anxious, baka ma-late," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.