Uber driver, nag-sorry sa 'pambabastos' sa anak ng opisyal
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Uber driver, nag-sorry sa 'pambabastos' sa anak ng opisyal
Zhander Cayabyab,
DZMM
Published Jan 12, 2017 04:20 PM PHT

PANOORIN: Uber driver na nambastos umano sa anak ni DENR Asec. Rommel Abesamis, personal na humingi ng tawad @DZMMTeleRadyo pic.twitter.com/HoE09uJM7a
— Zhander Cayabyab (@zhandercayabyab) January 12, 2017

MANILA - Personal na humingi ng tawad Huwebes ang isang Uber driver na nambastos umano sa kanyang babaeng pasahero na anak ni Department of Environment and Natural Resources Assistant Secretary Rommel Abesamis.

Nobyembre 2016 sumakay ng Uber ang kolehiyalang anak ni Abesamis na pinagsalitaan umano nang mahalay ng driver na si Juanito Bornillo.

Tinanong umano ni Bornillo kung may boyfriend ang dalaga at sinabihang dapat siyang magkaroon ng maraming anak dahil sa kanyang ganda.

Sinita umano ni Abesamis ang driver sa text message pero sumagot pa ito ng pananakot at pambabanta.
Sinita umano ni Abesamis ang driver sa text message pero sumagot pa ito ng pananakot at pambabanta.
ADVERTISEMENT
Nag-sorry ang driver sa opisyal nang magkaharap sila sa isang press conference.

"Ako po ay humihingi ng apology sa pamilya po ni Asec Rommel
Abesamis kung anuman po 'yung nangyari. Sana po ay matanggap niya ang aking apology," ani Bornillo.

Naramdaman naman umano ni Abesamis na sinsero ang paghingi ng tawad ng driver na tinanggal na ng Uber sa serbisyo.

Napag-alaman din anya na may asawa at dalawang anak si Bornillo.

Pero naihain na sa Quezon City Prosecutor's Office ang reklamong paglabag sa city ordinance hinggil sa sexual abuse laban kay Bornillo at submitted for resolution na rin ang kaso.

Ipinaliwanag ni Atty. Ariel Inton, abogado ni Abesamis at founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection, na kapag naiakyat na sa korte ang kaso, dito na maghahain ng affidavit of desistance ang kanyang kliyente para bawiin ang reklamo.

Hindi na rin itutuloy ni Abesamis ang isa pang kasong unjust vexation laban sa driver.

Sa kabila nito, kinukwestyon ni Abesamis ang ilang patakaran ng mga transport network vehicle services tulad ng Uber, kabilang ang hindi pagkakaroon ng prangkisa at hindi pagdedeklara ng tunay na pangalan ng driver.

Ipinunto rin ni Abesamis na nakapamasada si Bornillo para sa Uber kahit hindi man lang nito kilala ang may-ari ng sasakyang minamaneho.