8 pulis na sangkot umano sa pagnanakaw nirekomendang tanggalin sa PNP

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

8 pulis na sangkot umano sa pagnanakaw nirekomendang tanggalin sa PNP

ABS-CBN News

Clipboard

Inirekomenda ng Internal Affairs Service ng Philippine National Police ang pagpapatalsik sa serbisyo ng walong pulis na inakusahan ng pagnanakaw sa Angeles City, Pampanga noong Enero.

Naisumite na umano ng IAS ang kanilang rekomendasyon sa Directorate for Personnel and Records Management noong Abril 4 para tanggalin ang mga naturang pulis na kabilang sa Criminal Investigation and Detection Group-Anti-Organized Crime Unit.

Nahaharap sila sa kasong robbery in band, extortion, at illegal detention, bukod pa sa mga kasong administratibo para sa grave misconduct.

Matatandaang mga tauhan ng CIDG Angeles City Field Unit ang humuli sa kanila matapos makatanggap ng ulat noong Enero 26 kung saan nagpakilaang mga miyembro ng CIDG ang mga suspek sa pagnanakaw sa isang residential area sa Diamond Subdivision sa Barangay Balibago, Angeles City.

ADVERTISEMENT

Nakorner nila ang mga suspek na nagsasabing nagsasagawa sila ng buy-bust operation. Pitong lalaking Chinese at isang Pilipino na kasambahay ang nabiktima sa loob ng nasabing bahay habang narekober ang ilang computer na naka-set up na katulad ng operasyon ng POGO.

Sa sasakyan ng mga suspek nakita ang iba't ibang gamit ng mga Chinese kabilang ang ilang alahas, gamit at cash na humigit-kumulang P300,000 at US bills.

Wala umanong maipakitang dokumento ang mga suspek na ito ay lehitimong operasyon. – Ulat ni Gracie Rutao

KAUGNAY NA ULAT

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.