Malabon City, nagpasalamat sa higit P16M halaga ng ayuda mula sa ABS-CBN Foundation

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Malabon City, nagpasalamat sa higit P16M halaga ng ayuda mula sa ABS-CBN Foundation

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Nagpasalamat ang Malabon City nitong Miyerkoles sa proyektong "Pantawid ng Pag-ibig" project ng ABS-CBN na naghahatid ng ayuda sa mga residenteng naapektohan ng krisis ng COVID-19 sa naturang lungsod.

Ayon kay Malabon City Mayor Lenlen Oreta, isa ang ABS-CBN Foundation sa mga walang pagod na nagpapadala ng tulong sa lungsod sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa ngayon, mahigit P16 na milyong halaga ng relief goods ang naipamahagi na ng Pantawid ng Pag-ibig sa Malabon, kabilang dito ang relief goods para sa lokal na pamahalaan at relief goods para sa Samahan ng Nagkakaisang Pamilya ng Pantawid o SNPP.

Ayon kay Oreta, mahirap ang kinahaharap na problema dahil sa pandemic, ngunit kinakaya dahil na rin sa mga natatanggap na tulong tulad ng patuloy na ipinamamahagi ng ABS-CBN Foundation.

ADVERTISEMENT

Nitong Martes, naglabas ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission laban sa ABS-CBN, matapos mapaso ang prangkisa nito noong Lunes, Mayo 4.

Sa direktiba, inutusan ng NTC na itigil ang mga TV at radio operation ng ABS-CBN habang wala pa itong karampatang prangkisa.

Binigyan ang ABS-CBN nang 10 araw mula sa pagtanggap nito ng kautusan para ipaliwanag kung bakit hindi dapat bawiin ang nakatalagang frequency ng network.

Hindi bababa sa 11 bills ang nakatengga sa Kamara para sa pagpapalawig ng prangkisa ng ABS-CBN.

--May ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.