EDSA-Kamuning flyover, muling magbubukas sa July 23

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

EDSA-Kamuning flyover, muling magbubukas sa July 23

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

Clipboard

ABS-CBN News/file
Matapos ang ilang linggo ng pagkukumpuni, inaasahang magbubukas na muli sa trapiko ang EDSA-Kamuning flyover sa Quezon City sa Hulyo 23, 2022. Mark Demayo, ABS-CBN News/file

MANILA — Nakatakdang magbukas muli sa mga motorista ang EDSA-Kamuning flyover sa darating na Hulyo 23.

Sa isang press conference sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sinabi ni Engr. Eduardo Santos ng Quezon City 2nd District Engineering Office na nakumpleto na ang pagkukumpuni sa southbound lane ng flyover.

Sabi ni Santos, kahit na may mga pag-ulan nitong mga nakalipas na araw ay nagtuloy-tuloy naman ang kanilang trabaho para matapos agad ang rehabilitasyon ng EDSA-Kamuning flyover.

WANG-WANG AT BLINKERS

Nagkaroon din ng paglilinaw ang pamunuan ng Highway Patrol Group (HPG) sa tamang paggamit o kung sinu-sino ang mga maaaring gumamit ng wang-wang at blinkers sa mga lansangan.

ADVERTISEMENT

Sabi ni Police Captain Bingsky Foncardas, Service Legal Officer ng HPG, nagkaroon lamang ng kalituhan sa mga unang pahayag ng kanilang mga opisyal dahil “taken out of context” ito kung saan sinasabing limitado lamang sa mga mga piling opisyal ng pamahalaan sa panahon ng emergency at hindi kasama dito ang mga sasakyan ng MMDA, LTO, LTFRB at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Ayon kay Foncardas, kung babalikan ang Presidential Decree 96 at ang Republic Act 4136, kasama ang mga marked vehicle ng gobyerno sa mga maaaring gumamit ng wang-wang at blinkers kung mayroong emergency.

“Lilinawin lang po namin kasi iyong sagot po ni director was taken out of context. Ang pinanggagalingan po nito yung PD 96 natin at yung RA 4136, ang nakalagay sa PD, meron nakalista doon kung sino lang ang mga puwedeng gumamit. Sa 4136 sinabi naman po na iyong mga emergency vehicles puwede po. Nung natanong po ito medyo hindi po niya naipaliwanag ng masyado.” sabi ni Foncardas.

Aminado si Foncardas na kung tutuusin ay bawal naman talagang gumamit nito ang lahat ng mga sasakyan.

Kasama sa mga talagang pinapayagan aniya sa ilalim ng batas na gumamit ng wang-wang at blinkers ay ang Pangulo ng bansa, Bise Presidente, Chief Justice, Senate President, Speaker of the House.

ADVERTISEMENT

Pero maaari din aniyang gumamit nito ang mga opisyal na sasakyan ng pamahalaan, para sa pagtugon ng mga ito sa kanilang tungkulin.

Nilinaw din ni Foncardas na bawal ang police escorts sa mga VIP at sa halip ay road assistance ang kanilang ibinibigay sa mga panahong kailangan ang kanilang serbisyo ng mga ito.

Sabi ni MMDA OIC Engr. Bal Melgar, mayroon na silang memorandum sa kanilang mga tauhan na gagamitin lang ang mga sasakyan ng ahensya sa emergency cases at pagresponde sa mga lansangan.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.