Katawan ng 2 menor de edad na tinangay ng ilog, natagpuan na

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Katawan ng 2 menor de edad na tinangay ng ilog, natagpuan na

Marty Go,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 18, 2020 06:14 AM PHT

Clipboard

Nakita na ang mga bangkay ng mga menor de edad na nawala matapos tangayin ng ilog sa Talisay City, Negros Island nitong Biyernes.

Natagpuan ang isa sa kanila sa Matab-ang River sa Talisay habang ang isa naman ay nakita sa ilog sakop ng Barangay Zone–15 sa naturang lungsod.

Dalawa sila sa tatlong menor de edad na tinangay ng malakas na agos ng tubig habang naliligo sa ilog sakop ng Sitio Abkasa, Barangay Mandalagan sa lungsod noong Miyerkoles.

Apat sa mga kasamahan naman nilang naligo ang nakaligtas.

ADVERTISEMENT

Noong Huwebes unang natagpuan ang isa sa nawawalang mga bata.

Patuloy ang abiso ng mga awtoridad sa mga magulang na huwag pabayaan ang mga anak na maligo sa ilog lalo na't hindi malaman kung kailan lumalakas ang agos ng tubig sa ilog bunsod ng pag ulan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.