Drug surrenderer, timbog sa pagtutulak ng marijuana

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Drug surrenderer, timbog sa pagtutulak ng marijuana

Angelo Caballero,

ABS-CBN News

Clipboard

DAVAO CITY - Isang lalaking dati nang sumuko sa mga pulis dahil sa paggamit at pagtutulak ng iligal na droga ang nahuli sa isang buy-bust operation sa Barangay 19-B sa Davao City Miyerkules ng gabi.

Inaresto ng mga pulis si Arthur Endrina, alyas "Atoy," matapos nitong magbenta ng pinaghihinalaang marijuana sa isang asset ng pulisya.

Ayon kay Police Chief Insp. Ramil Macarampat, dati nang sumuko si Endrina sa San Pedro Police noong ika-27 ng Hulyo, ngunit namonitor itong bumalik sa pagtutulak ng marijuana.

Nakuha kay Endrina ang dalawang plastic container na may marijuana stalks, marijuana seeds, dalawang improvised pipe at pinaniniwalaang dried marijuana leaves na nakabalot sa papel.

ADVERTISEMENT

Tinatayang nasa P500 ang halaga ng marijuanang nakumpiska kay Endrina.

Nakatutok pa rin ang San Pedro Police sa mahigit 600 pang drug surrenderer na posibleng bumalik sa pagtutulak ng droga.

Haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act si Endrina.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.