Sako-sakong Capiz shells kinumpiska sa Ormoc City

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sako-sakong Capiz shells kinumpiska sa Ormoc City

ABS-CBN News

Clipboard

Retrato mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Eastern Visayas
Retrato mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Eastern Visayas

Kinumpiska ng mga awtoridad nitong Sabado ang higit 8 toneladang Capiz shells sa isang pantalan sa Ormoc City dahil umano sa kakulangan ng mga hinihinging dokumento.

Nakasilid ang Capiz shells sa mga sakong nakakarga sa isang truck nang masita sa pantalan sa Barangay Punta. Galing umano ito sa Sorsogon at isasakay sana ng barge papuntang Mandaue, Cebu.

Pero wala umanong sapat na dokumentong naipakita ang driver at pahinante ng truck kaugnay sa kargamento.

Napag-alamang ang nakalagay sa auxiliary permit ay aabot lang sa 1.5 tonelada ang kargamento, gayong sa pagbibilang ng mga awtoridad ay umabot ito sa 8.4 tonelada.

ADVERTISEMENT

Kinumpiska ito ng mga awtoridad dahil sa paglabag sa Fisheries Administrative Order 157, na nagbabawal sa pagkuha at pagkolekta ng Capiz shells nang walang permit.

Iniimbestigahan ngayon kung sino ang may-ari ng Capiz shell, na karaniwang ginagamit sa paggawa ng mga dekorasyon.

— Ulat ni Ranulfo Docdocan

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.