KBP nanawagan para sa seguridad ng mga brodkaster

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBP nanawagan para sa seguridad ng mga brodkaster
ABS-CBN News
Published Nov 06, 2023 07:43 PM PHT

Nanawagan ang Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP) ng mas mahigpit na pagpapatupad ng batas para sa mga seguridad ng mga broadkaster, kasunod ng pagpatay sa brodkaster na si Juan Jumalon sa Misamis Occidental.

Ayon kay KBP Chairman Herman Basbaño, nakakalungkot na nadagdagan na naman ang mga brodkaster na naging biktima ng krimen.

"Nakakalungkot pero alam naman ng mga kasamahan natin ay hindi magpaapekto dito. Let us not be deterred by what happened," sabi niya sa panayam sa Teleradyo Serbisyo.

"Let us not allow them to affect us in our pursuit of our function," dagdag pa ni Basbaño.

ADVERTISEMENT
Nanawagan rin si Basbaño at ang KBP na mas paigtingin ng awtoridad ang pagpapatupad ng mga batas para maiwasang maulit ang mga ganitong uri ng krimen.

"Let us check on the manner on how our authorities deal with this kind of incidents, 'yung justice system natin, tingnan ulit natin 'yan," aniya.

"Maraming panawagan ang ginagawa natin diyan. Siguro may ginagawa naman, pero nakita natin, still, nangyayari pa rin 'yung ganitong insidente," dagdag ni Basbaño.

Binaril si Jumalon sa loob ng kaniyang bahay, na nagsisilbi rin niyang broadcasting booth, habang umeere ang kaniyang programa.