Virac patuloy na umaapela ng tulong dahil sa pinsala ng bagyong Rolly
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Virac patuloy na umaapela ng tulong dahil sa pinsala ng bagyong Rolly
ABS-CBN News
Published Nov 08, 2020 01:02 AM PHT

Umaapela ng tulong ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Virac, Catanduanes na malubhang sinalanta ng super typhoon Rolly noong nakaraang Linggo.

Ayon kay Sinforoso Sarmiento Jr., alkalde ng Virac, kinukulang pa rin sila para mapakain ang 63 barangay na naapektuhan ng bagyo.

"Makikita natin na napaka marami rami na rin ang mga ayudang dumating. Sa ibat ibang local government na tumutulong at sa natational government mga private NGOs although ito naman ay didiretso sa probinsya, ang pagaallocate ay nasa provincial government," aniya.

"Dito sa Virac, Catanduanes medyo marami rami pa rin ang hindi nararating ng relief goods."
"Dito sa Virac, Catanduanes medyo marami rami pa rin ang hindi nararating ng relief goods."
ADVERTISEMENT
Mga bigas at delata ang pangunahing pangangailangan ng Virac sa ngayon, ayon sa alkalde.

Aniya sa karampot na pondo nila, umabot lang sa 32 barangay ang nabiyayaan ng ayuda.

"May 63 barangays na hard hit kaya 'di pa kami nakakalahati sa pamimigay ng relief goods aming kababayan na apektado ng bagyo. Ang problema baka bukas i-stop ang relief operations namin dahil wala na kaming irerepack na bigas at delata," sabi ni Sarmiento.

Nagsisikap naman daw makabangon ang mga residente.

May mga ilang nagsisikap nang makabuo ng makeshift houses gawa sa mga reta-retasong kahoy na napupulot nila.
May mga ilang nagsisikap nang makabuo ng makeshift houses gawa sa mga reta-retasong kahoy na napupulot nila.
ADVERTISEMENT
"After the typhoon, 'pag wala na yung hangin, talagang bumabalik sila sa kanilang tahanan, titignan 'yung sira," pahayag ng alkalde.

"Ang mga natitirang pamilya sa evacuation centers natin ito 'yung mga nagkatrauma. Hindi alam pano maguumpisa, kaya naiwan sila doon."

Dagdag pa niya, maaaring abutin pa ng ilang buwan bago unti-unting manumbalik ang kuryente at tubig sa kanilang bayan dahil sa pinsalang idinulot ng bagyo.

"Ang electricity namin expected baka partial na makapag-umpisa yan after a month pa, pero yung expected na supply ng electricity mga 3 months," ani Sarmiento.

"Base sa public briefings na ginagawa, 'yung water, unti-unting nire-restore ilang barangays pa lang ang merong water supply. Talagang sobrang hirap ang dinadanas ng kababayan dahil sa Rolly."

Tinatayang 3 sa bawat 4 na bahay sa kabisera ng Catanduanes, ang nawasak ng bagyo. Tatlo rin ang kumpirmadong namatay dahil sa flash floods.

Unang nag-landfall noong Linggo ang Rolly, na noo'y super typhoon, sa Catanduanes kaya nakapag-iwan ito ng matinding pinsala sa island-province.