Mga Pilipino, nagsama-sama sa 2021 Paskong Pinoy sa Korea
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga Pilipino, nagsama-sama sa 2021 Paskong Pinoy sa Korea
Annalyn Mabini | TFC News South Korea
Published Dec 15, 2021 11:30 AM PHT

SEOUL, SOUTH KOREA – Nagsama-sama ang mga Pilipino sa South Korea sa kauna-unahang virtual Christmas celebration “2021 Paskong Pinoy sa Korea” na pinangunahan ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul sa pakikipagtulungan ng iba-ibang organisasyon mula sa Filipino communities.

Nagsilbing organizing committee ang Seoul Filipino Catholic Community (SFCC), Ilokanos in South Korea (ISK), Gwangju Jeonam Philippine Community (GJPC) at ang United Filipinos in South Korea (UFILKOR) kasama ang POLO-OWWA sa Seoul.

Kumanta ang ilang Filipino performers at nakilahok din ang virtual attendees sa iba-ibang pacontest kabilang na ang Best in Christmas Head Dress. Namigay rin ng special prizes na karaniwan na sa Pinoy Christmas parties. Ayon pa sa Embahada, nagtanghal din ang special guest na si Ms. Chelsea Emata, isang Filipina International artist.

“Despite the present challenges, we as a people can surmount difficulties when we are together and remain dauntless in our resolve,” ani Ambassador Theresa Dizon-De Vega na nagbigay diin sa kahalagahan ng pagkakaisa ng mga Pilipino at sa sama-samang pagdiriwang ng Pasko.

Ibinahagi rin ni Ambassador De Vega sa voirtual Christmas celebration na matapos ang halos dalawang taon ng entry restrictions sa Korea, unti-unting nang nakapapasok ang EPS workers simula noong November 30, 2021.

Mayroon ding espesyal na partisipasyon ang mga opisyal ng Embahada at mga pinuno ng attached agencies sa nasabing online Christmas celebration.

“With the continued support of the Filipino community, we will endeavor to make Paskong Pinoy an annual tradition to promote unity, friendship, and the well-being of our overseas Filipinos in South Korea,” sabi ni Ambassador De Vega.