Cardinal Tagle, hiniling na ipanalangin ang mga naapektuhan ng bagyong Odette

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Cardinal Tagle, hiniling na ipanalangin ang mga naapektuhan ng bagyong Odette

Jackie de Vega | TFC News Italy

Clipboard

VATICAN CITY - Pinangunahan ni Luis Antonio Cardinal Tagle ang pagbabalik ng Simbang Gabi sa St. Peter's Basilica sa Vatican City nitong December 19.

Bago magsimula ang ikalimang gabi ng Simbang Gabi, hiniling ng Cardinal na ipanalangin ang mga lubhang naapektuhan ng bagyong Odette sa Pilipinas.

Homily ni Cardinal Tagle

“Sa Misa pong ito, atin ding ipanalangin ang ating mga kapatid na naghihirap ngayon dahil sa dumaan na bagyong Odette. Ipanalangin natin ang mga nawalan ng mahal sa buhay, ng mga bahay, ng mga pananim. Ipanalangin natin ang kapayapaang walang hanggan ng mga yumao,” panalangin ni Cardinal Tagle.

Sa kanya namang homily, pinaalala ng Cardinal na ang dapat maging puso ng pasko ay ang kapanganakan ni Hesus.

Mga dumalo sa Simbang Gabi

“Bakit tayo ganito kamahal ng Diyos? Sino ba tayo para makatanggap ng pinakadakilang milagro ng Diyos sa atin, ang kanyang anak? Ang simple ay may halaga sa Diyos. Sundan natin ang yapak ni Hesus na nagpakasimple para ibigay ang pinakamagandang regalo, ang ating kaligtasan,’ homiliya ni Cardinal Tagle.

ADVERTISEMENT

Simbang Gabi sa Vatican

Taong 2019 ang huling Simbang Gabi sa Vatican na pinangunahan ni Pope Francis at dinaluhan ng mahigit pitong libong katao. Masaya naman ang mga Pilipino sa pagbabalik ng Simbang Gabi sa Vatican.

Bagamat may banta ng Omicron variant, mahigit 500 katao pa rin ang dumalo ngayong taon.

“Lumalamig man dahil winter pero ang init ng pagmamahal at init ng pagtanggap ng Pilipino sa ating nakaugaliang Simbang Gabi ay nandoon pa rin. Ibig sabihin buhay na buhay ang ating pananampalataya,” ani ni Father Ricky Gente, Chaplain, Sentro Pilipino Chaplaincy.

“Syempre masaya dahil nagkaroon uli ng ganito. Kasi last 2020 wala kasi ‘di ba pandemic tapos ngayon balik na uli, kaya ang saya-saya,” sabi ni Mirasol dela Cruz, nagbigkas ng responsorial psalm.

"Talaga pong blessed na blessed. Para sa kin po nakapalaking bagay po na ang ating tradisyon ng Simbang Gabi ay nadadala natin ‘san man tayo sa mundo at higit sa lahat ay nararamdaman ng bawat Pilipino hindi lang dito sa Italya,” sabi ni Patrick Brucal, Sacro Cuore di Gesu Filipino Community & Social Action, Commission of Sentro Pilipino Chaplaincy.

ADVERTISEMENT

Dumayo pa mula sa Paris,France ang magkasintahang Lester Soliman at Tiffany de Leon para sa Simbang Gabi sa Vatican.

First time nila sa Italy, bagamat malayo raw sila sa Pilipinas ramdam pa rin nila ang Paskong Pinoy.

“Sobra, kasi si Cardinal Tagle pa yung nagmisa,” sabi ni Tiffany de Leon, OFW sa Paris.

“Sobrang special talaga yung araw na ito,” sabi ni Lester Soliman, Pinoy sa Paris.

Nasa kasagsagan pa rin ng pandemya ang Italy dahil sa banta ng Omicron variant. Kaya ang hiling ng karamihan ngayong Kapaskuhan ay tungkol sa kalusugan at pagtatapos ng pandemya.

ADVERTISEMENT

Misa sa Vatican

“Gumaling yung mga may sakit. Ang Diyos ang nakakaalam ng lahat, tayo’y pagagalingin lahat ng Diyos,” dagdag ni Mirasol dela Cruz.

“Sana kahit may pandemic, hindi mawalan ng faith ang mga tao. Sana matapos na,” dagdag ni Tiffany de Leon.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Italy at Vatican City, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.