Lalaki, sinaksak ng gunting sa maselang bahagi ng katawan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki, sinaksak ng gunting sa maselang bahagi ng katawan

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 27, 2024 08:21 PM PHT

Clipboard

Sugatan ang isang lalaki makaraang saksakin ng gunting ang maselang bahagi ng katawan nito ng kanyang umano’y live-in partner sa Romualdez Street corner UN Avenue sa Maynila nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na isang street dweller o naninirahan sa lansangan.

Base sa salaysay ng mga nakakita sa barangay, nagtalo umano ang dalawa na parehong lango sa alak.

“Mga nakainom ‘yung dalawa, nagpapahinga na sila doon. Ang ginagawa daw nung matandang lalaki, hinuhubaran daw ‘yung kasama niya na tomboy,” ayon kay Kgwd. July Villanueva ng Barangay 674, Paco, Manila.

ADVERTISEMENT

“E nakakuha yata ng gunting ‘yung tomboy kaya sinaksak siya dun sa maselang bahagi daw po nung matanda,” dagdag ni Kgwd. Villanueva.

Naabutang duguan ang lalaki nang humingi ito ng saklolo sa mga tauhan ng Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU).

“Habang nagpapatrolya ‘yung ating TMRU, may lumapit sa kanila at humingi ng tulong. So agad na umaksyon ‘yung ating mga kapulisan, dinala sa malapit na ospital ‘yung ating biktima,” sabi ni PCpt. Anthony Abundo, hepe ng Lawton Police Community Precinct.

Agad namang naaresto ang suspek na sinasabing live-in partner ng biktima.

Base naman sa salaysay ng biktima sa pulisya, nagkapikunan sila nang mapag-usapan ang kanilang mga nakaraan.

ADVERTISEMENT

“Naungkat ‘yung mga kwentuhan nila dati na alam niyo naman pagdating sa alak, doon nagkapikunan po. Hindi na nabanggit kung ano ‘yung mga napag-usapan nila,” sabi ni PCpt. Villanueva.

“Ayaw na magsampa ng kaso nung biktima sa ating suspek kasi mahal na mahal niya po ‘yung kanyang ka-live in,” dagdag ni PCpt. Villanueva.

Ayon sa pulisya, ite-turnover sa barangay ang kaso.

Dinala rin sa barangay ang gamit nilang kariton habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

“Tumatambay lang sila dyan kapag walang nagro-roving na mga tanod o kagawad, minsan makikita na lang namin na nandyan sila tapos pinaalis na lang po namin,” sabi ni Kgwd. Villanueva.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.