4 NA KARAKTER MULA SA MGA FANTASERYE NA DAPAT BALIKAN NGAYONG ENERO

January 18, 2019 AT 11:57 AM

4 fantaserye characters to inspire you this January

It’s a brand new year and Jeepney TV kicks it off by bringing back well-loved role models as the new ABS-CBN TVplus channel airs well-loved fantaseryes “Lobo,” “Lastikman,” and “Aryana” this January.

Binibigyang buhay muli ng Jeepney TV ang ilan sa mga hindi makakalimutang karakter ng mga Kapamilya fantaserye sa pag-ere nito ng “Lobo,” “Lastikman,” at “Aryana” ngayong Enero.
 
Narito ang apat na mga karakter sa siguradong aantig ng mga puso ngayong buwan:
 

1.       ANG PURSIGIDO AT MATATAG NA SI LYKA RAYMUNDO
Bilang ang “Huling Bantay,” tila hindi na naubusan ng pasan si Lyka. Matapos madapa at mabigo nang maraming beses, tumayo pa rin siya bilang isang ilaw at matatag na pinuno ng kanyang lahi.
 

2.       ANG MAY TIBAY NG LOOB NA SI NOAH ORTEGA
Hindi maipagkakaila na isang lalaki na may tapang si Noah. Kahit tila matigas ang ulo sa simula, ipinaglaban niya ang kanyang pag-ibig para kay Lyka—kahit pa nung matuklasan niyang nagmula ito sa dugo ng kanyang mga kalaban. Mahirap man, ipinagtanggol pa rin ni Noah ang pagmamahalan nila laban sa kanyang sariling pamilya.
 

3.      ANG MASAYAHIN AT MATULUNGIN NA SI MIGZ / LASTIKMAN
Nakatago man sa berde at itim na kasuotan o hindi, hindi nag-aalinlangang tumulong sa iba si Migz o mas kilala bilang Lastikman. Gamit din ang kanyang masasayang hirit, tila naging ilaw si Migz sa kanyang kapwa. At para sa mga taong kilala siya—may maskara man o wala—isang bayani si Migz.
 

4.       ANG MAY BUSILAK NA PUSO NA SI ARYANA
Kahit sa murang edad, nanatiling mapagmahal si Aryana sa kabilang ng iba’t ibang pagsubok na dinanas niya mula sa dagat at lupa. Marunong ding magpatawad at magbigay pag-asa ang dalagita kahit pa sa mga taong nanakit sa kanya.
 
 
Muling balikan ang mga kwentong nagbibigay pag-asa sa “Lobo,” 1:45 AM, “Lastikman,” 3:30 AM, at “Aryana,” 8:15 AM, mula Lunes hanggang Biyernes sa Jeepney TV. Mapapanood ang Jeepney TV sa ABS-CBN TVplus channel 11, SKYcable channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE