Sa lungkot at saya, kasama ang paboritong Kapamilya stars online ngayong Hulyo

July 24, 2020 AT 04:39 PM

Get through your troubles with you favorite Kapamilya stars in ABS-CBN’s digital shows this July

Browse through ABS-CBN’s wide selection of digital shows on different platforms OKS, iWant, Facebook, Kumu, and YouTube that will lift you up!

Magkakalayo man tayong lahat ngayon dahil sa pandemya, nakakahanap pa rin tayo ng paraan para makasama ang isa’t isa dahil sa online apps. Kaya naman hindi rin nagpapatinag ang ating paboritong ABS-CBN stars na samahan tayo sa kabila ng ating pinagdadaanan, dahil mapapanood pa rin natin sila sa saya man o lumbay sa online shows nila.
 
Pag-asa, inspirasyon, at kaalaman ang dala nila sa atin ngayong Hulyo sa iba’t ibang shows ng ABS-CBN na napapanood sa oks.abs-cbn.com, iWant, Facebook, Kumu app, at YouTube. 
 
1.  Makipagkulitan kasama ang KathNiel, LizQuen, at MayWard.

Kung gusto mo ng kasama o miss na ang mga kaibigan, mae-enjoy moa ng chikahan nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Liza Soberano, Enrique Gil, Maymay Entrata, at Edward Barber sa “Love From Home Fan Sessions: Love Teambahay by Jeepney TV,” ng Jeepney TV sa YouTube, para sa “Pantawid ng Pag-Ibig” ng ABS-CBN Foundation.

Sandamakmak na kwento naman ang bitbit ng Rise Artist Studio sa “We Rise Together” ng Star Cinema sa YouTube. May handog ding mga bagong kanta ang Star Music mula kanila Maymay, Inigo Pascual, at Ivana Alawi.

Abangan naman ang pinakahihintay na MYX Music Awards 2020. Sa Hulyo 25, kung saan tampok ang mga pinakasikat na musikero ng taon sa online celebration na may special performances ng local at international acts.
 
2.  Ngiti at ginhawa mula kina Alex Calleja, FumiYam, at ang cast ng “Beauty Queens.”

Maghahatid ng kulit at tawa sa overseas Filipinos si Alex Calleja at iba pang mga Pinoy comedians sa “Stand Up for Laughs.” Maglalakbay at pag-aaralan naman nina nina Fumija Sankai at Yamyam Gucong ang pagtatanim sa “Highway Harvest,” kung saan matututunan ng OFWs at kanilang mga pamilya sa Pilipinas ang iba’t ibang negosyong pwede nilang pasukan.

Magniningning din ngayong buwan ang real-life titleholders na sina Gloria Diaz, Maxine Medina, at Winwyn Marquez, kasama sina Ross Pesigan at Maris Racal sa iWant family drama series na “Beauty Queens,” kung saan masisilayan ang sakit sa likod ng mga ngiti ng mga naggagandahang reyna.
 
3.  Sari-saring emosyon kasama sina Diana Mackey, Tony Labrusca, MNL48, at iba pa.
Kung gusto ng hugot, panoorin sina Diana Mackey at Brian Gocheco bilang magkasintahang naudlot ang kasal habang may quarantine sa “Wedding Dress: For Sale” ng PILIkula. Samantala, nagpapakilig pa rin sina Tony Labrusca at JC Alcantara bilang college boys na mahuhulog ang loob sa isa’t isa sa kalagitnaan ng lockdown sa “Hello Stranger” ng Black Sheep.
 
Kung horror naman ang hanap, maninindak ang mga miyembro ng MNL48 sa isa-isang pagkawala ng kanilang mga kaibigan sa “MNL48 Presents: Chain.”  Masisilayan namang muli ang pinakamakukulit at pinakamadamdaming moments mula sa iba’t ibang seasons sa loob ng bahay ni Kuya sa “PBB Balikbahay.”
 
Libreng mapapanood ang online shows na ito mula sa produksyon ng ABS-CBN Films, Star Cinema, Kumu, Black Sheep, RISE, TVDG, Star Music, Star Magic, Cinema One, TFC, at OKS.
Para sa kumpletong listahan ng shows, bumisita lamang sa oks.abs-cbn.com. Para sa updates, i-like ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram.